Scripture Library

12 Tukso Mga Talata sa Bibliya

Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Tukso. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.

"At si Jesus, na puspos ng Espiritu Santo, ay bumalik mula sa Jordan, at hinatid ng Espiritu sa ilang Loob ng apat na pung araw, na tinutukso ng diyablo. At hindi siya kumain ng anoman nang mga araw na yaon: at nang maganap ang mga yaon ay nagutom siya."

Lucas 4:1 Ang Biblia

"Dahil dito, kunin ninyo ang buong kagayakan ng Diyos, upang kayo'y mangakatagal sa araw na masama, at kung magawa ninyo ang lahat, ay magsitibay."

Efeso 6:13 Ang Biblia

"Ngunit tumakas ka sa mga masasamang pita ng kabataan, at sundin mo ang katuwiran, ang pananampalataya, ang pag-ibig, ang kapayapaan, kasama ng mga tumatawag sa Panginoon mula sa pusong malinis."

2 Timoteo 2:22 Ang Biblia

"Huwag sabihin ng sinoman pagka siya'y tinutukso, Ako'y tinutukso ng Diyos; sapagkat ang Diyos ay hindi matutukso sa masama, at hindi rin naman siya nanunukso sa sinoman."

Santiago 1:13 Ang Biblia

"Makaroroon ba ang sinoman sa mga bagang nagniningas, at hindi masusunog ang kaniyang mga paa?"

Mga Kawikaan 6:28 Ang Biblia

"Mga kapatid, kung ang sinoman ay masumpungan sa anomang pagkakasala, kayong mga espirituwal ay inyong papanumbalikin ang gayon sa espiritu ng kaamuan; na lumingon ka sa iyong sarili, baka ikaw naman ay matukso."

Galacia 6:1 Ang Biblia

"Sapagkat tayo'y walang isang dakilang saserdote na hindi maaaring magdamay sa ating mga kahinaan, kundi isa na tinukso sa lahat ng mga paraan gaya natin, gayon ma'y walang kasalanan."

Hebreo 4:15 Ang Biblia

"At sinabi niya, Ang lumalabas sa tao, yaon ang nakahahawa sa tao. Sapagka't mula sa loob, sa puso ng mga tao, lumalabas ang masasamang isipan, pakikiapid, pagnanakaw, pagpatay, pangangalunya, mga kasakiman, kasamaan, pagdaraya, kalibugan, masamang mata, pamumusong, pagmamataas, kamangmangan: Ang lahat ng masasamang bagay na ito ay sa loob lumalabas, at nakahahawa sa tao."

Marcos 7:20 Ang Biblia

"At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama."

Mateo 6:13 Ang Biblia

"Yamang inyong nalalaman na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay gumagawa ng pagtitiyaga."

Santiago 1:3 Ang Biblia

"Hindi dumating sa inyo ang anomang tukso kundi ang karaniwan sa tao: ngunit tapat ang Diyos, na hindi niya itutulot na kayo'y tuksuhin ng higit sa inyong makakaya; kundi kalakip din ng tukso ay gagawin naman ang paraan ng pag-ilag, upang ito'y inyong matiis."

1 Corinto 10:13 Ang Biblia

"Kayo'y mangagpuyat at magsipanalangin, upang huwag kayong mangapasok sa tukso: ang espiritu sa katotohanan ay may ibig, datapuwat mahina ang laman."

Mateo 26:41 Ang Biblia