Scripture Library

14 Tinapay Mga Talata sa Bibliya

Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Tinapay. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.

"At samantalang sila'y kumakain, ay kumuha si Jesus ng tinapay, at nang mapagpala, ay kanyang pinaghati-hati, at ibinigay sa mga alagad, at sinabi, “Kumuha kayo, kanin ninyo; ito ang aking katawan.”"

Mateo 26:26 Ang Biblia

"At siya'y natira doong kasama ng Panginoon na apatnapung araw at apatnapung gabi; hindi siya kumain ng tinapay, ni uminom man ng tubig. At isinulat niya sa mga tapyas ang mga salita ng tipan, ang Sangpung Utos."

Exodo 34:28 Ang Biblia

"At pagkakuha sa limang tinapay at sa dalawang isda, tumingala siya sa langit, pinagpala ang mga ito, pinaghati-hati, at ibinigay sa mga alagad upang ipamahagi sa maraming tao. At kumain silang lahat at nabusog; at kinuha ang mga lumabis na pira-piraso, labindalawang bakol."

Lucas 9:16 Ang Biblia

"At sila'y nanatiling matibay sa turo ng mga apostol at sa pakikisama, sa pagpipira-piraso ng tinapay at sa mga panalangin."

Mga Gawa 2:42 Ang Biblia

"At nangyari, na naglalakad siya sa mga bukirin ng trigo nang araw ng sabbat; at ang kanyang mga alagad, habang naglalakad, ay nagpasimulang kumuha ng mga uhay ng trigo. At sinabi ng mga Fariseo sa kanya, “Tingnan mo, bakit nila ginagawa sa araw ng sabbat ang hindi labag sa batas?” At sinabi niya sa kanila, “Hindi ba ninyo nabasa kailanman ang ginawa ni David, nang siya'y nangailangan, at nagutom, siya at ang mga kasamahan niya? Kung paanong pumasok siya sa bahay ng Diyos nang panahon ng pinakapunong saserdote na si Abiatar, at kumain ng tinapay na handog, na hindi labag sa batas na kanin kundi ng mga saserdote lamang, at binigyan din ang kanyang mga kasamahan?” At sinabi niya sa kanila, “Ang sabbat ay ginawa para sa tao, at hindi ang tao para sa sabbat. Kaya't ang Anak ng Tao ay Panginoon maging ng sabbat.”"

Marcos 2:23 Ang Biblia

"Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw."

Mateo 6:11 Ang Biblia

"At araw-araw, habang sila'y nananatili sa templo na may pagkakaisa, at nagpipira-piraso ng tinapay sa mga bahay, ay nagsasalo sila sa kanilang pagkain na may galak at katapatan ng puso, na nagpupuri sa Diyos, at may pagbibigay-lugod sa buong bayan. At idinaragdag ng Panginoon sa simbahan araw-araw ang mga naliligtas."

Mga Gawa 2:46 Ang Biblia

"At ikaw ay kanyang pinahamak, at hinayaang magutom, at pinakain ka ng manna, na hindi mo nakilala, ni ng iyong mga magulang man; upang kanyang maipabatid sa iyo na ang tao ay hindi nabubuhay sa tinapay lamang, kundi sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng Panginoon."

Deuteronomio 8:3 Ang Biblia

"At siya na nagbibigay ng binhi sa naghahasik at ng tinapay bilang pagkain, ay magbibigay at magpaparami ng inyong binhi upang ihasik at palalaguin ang mga bunga ng inyong katuwiran."

2 Corinto 9:10 Ang Biblia

"Ako ang tinapay na buhay na bumabang galing sa langit. Kung ang sinuman ay kumain ng tinapay na ito, siya'y mabubuhay magpakailanman; at ang tinapay na aking ibibigay sa ikabubuhay ng mundo ay ang aking laman.”"

Juan 6:51 Ang Biblia

"Humayo ka, kainin mo ang iyong pagkain na may kagalakan, at inumin mo ang iyong alak na may masayang puso; sapagkat tinanggap na ng Diyos ang iyong mga gawa."

Eclesiastes 9:7 Ang Biblia

"At kumuha siya ng tinapay, at nang makapagpasalamat ay kanyang pinaghati-hati, at ibinigay sa kanila, na sinasabi, “Ito ang aking katawan na ibinibigay dahil sa inyo. Gawin ninyo ito sa pag-alaala sa akin.”"

Lucas 22:19 Ang Biblia

"Ngunit sumagot siya at sinabi, “Nasusulat, ‘Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng Diyos.’”"

Mateo 4:4 Ang Biblia

"Sinabi sa kanila ni Jesus, “Ako ang tinapay ng buhay. Ang lumalapit sa akin ay hindi magugutom kailanman, at ang sumasampalataya sa akin ay hindi mauuhaw kailanman.”"

Juan 6:35 Ang Biblia