11 Takot Mga Talata sa Bibliya
Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Takot. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.
"Sapagkat akong Panginoon mong Diyos, ay hahawak ng iyong kanang kamay, na magsasabi sa iyo, Huwag kang matakot; aking tutulungan ka."
"Kayo'y magpakalakas at magpakatapang, huwag kayong matakot, ni mangilabot sa kanila; sapagkat ang Panginoon mong Diyos ay siyang pumaparoon na kasama mo; hindi ka niya kukulangin ni pababayaan ka man."
"Datapwat nang makita nila na siya'y lumalakad sa ibabaw ng dagat, ay inakala nila na yao'y isang multo, at nagsisigaw; sapagkat nakita siya ng lahat, at nangaligalig. Datapwat pagdaka'y nagsalita siya sa kanila, at sa kanila'y sinabi, “Laksan ninyo ang inyong loob: ako nga; huwag kayong matakot.”"
"Oo, bagaman ako'y lumalakad sa libis ng lilim ng kamatayan, wala akong kakatkutang kasamaan; sapagkat ikaw ay sumasaakin; ang iyong pamalo at ang iyong tungkod, ay inaaliw ako."
"Hindi ba kita binuhat? Magpakalakas ka at magpakatapang na mabuti; huwag kang matakot, ni manglupaypay: sapagkat ang Panginoon mong Diyos ay sasa iyo saan ka man pumaroon."
"At ang Panginoon, ay siyang lumalakad sa unahan mo; siya'y sasa iyo, hindi ka niya kukulangin, ni pababayaan ka man: huwag kang matakot, ni manglupaypay."
"Kung paanong ang ama ay nahahabag sa kaniyang mga anak, gayon nahahabag ang Panginoon sa kanila na nangatatakot sa kaniya."
"Sapagkat hindi kayo tumanggap ng espiritu ng pagkaalipin upang muling matakot, kundi tumanggap kayo ng espiritu ng pagkukupkop, na dahil dito'y sumisigaw tayo, “Abba, Ama.”"
"At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan, datapuwat hindi nangakakapatay sa kaluluwa: kundi lalo ang katakutan ninyo ang makasisira sa kaluluwa at sa katawan sa impiyerno."
"At sinabi ng anghel sa kaniya, “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat nakasumpong ka ng biyaya sa Diyos. At narito, magdadalang-tao ka at manganganak ng isang lalaki, at papangalanan mo siyang Jesus.”"
"Ngunit sinabi sa kanila ng anghel, “Huwag kayong matakot, sapagkat narito, dinadalhan ko kayo ng mabuting balita ng malaking kagalakan na para sa buong bayan.”"