10 Tagapagligtas Mga Talata sa Bibliya
Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Tagapagligtas. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.
"Na siya, bagama't nasa anyong Diyos, ay hindi niya ibinilang na isang bagay na nararapat panangitan ang pagiging kapantay ng Diyos, kundi hinubaran niya ang kaniyang sarili, at naganyong alipin, na naging katulad ng mga tao; At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na naging masunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus."
"Na masidhing nakatitig kay Jesus na may-akda at tagatapos ng ating pananampalataya, na dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis ng krus, na binalewala ang kahihiyan, at umupo sa kanan ng luklukan ng Diyos."
"Ako'm napako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin: at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Diyos, na sa akin ay umibig, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa akin."
"At dahil dito ay siya ang tagapamagitan ng isang bagong tipan, upang sa pamamagitan ng isang kamatayan na nauukol sa ikatutubos sa mga pagsalangsang na nandoon sa ilalim ng unang tipan, ang mga tinawag ay magsitanggap ng pangako na pamangking walang hanggan."
"Sapagkat ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos; palibhasa'y inaring-ganap nang walang bayad ng kaniyang biyaya sa pamamagitan ng pagtubos na nasa kay Cristo Jesus."
"Sapagkat ipinanganak sa inyo ngayon sa bayan ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo, ang Panginoon."
"Sa kanya'y mayroon tayong katubusan sa pamamagitan ng kanyang dugo, na kapatawaran ng ating mga kasalanan, ayon sa kayamanan ng kanyang biyaya."
"Sapagkat nalalaman ninyo na kayo'y tinubos hindi ng mga bagay na nasisira, gaya ng pilak o ginto, mula sa inyong walang kabuluhang paraan ng pamumuhay na ipinamana sa inyo ng inyong mga magulang, kundi ng mahalagang dugo ni Cristo, gaya ng sa kordero na walang kapintasan at walang dungis."
"At nang siya'y maging ganap, siya ang naging pinagmulan ng walang hanggang kaligtasan para sa lahat ng sumusunod sa kanya."
"At sumagot ang anghel at sinabi sa mga babae, Huwag kayong mangatakot; sapagkat nalalaman ko na inyong hinahanap si Jesus na ipinako sa krus. Siya'y wala rito; sapagkat siya'y nabuhay na maguli, ayon sa sinabi niya. Magsiparito kayo, tingnan ninyo ang dakong kinalagyan ng Panginoon."