Scripture Library

18 Puso Mga Talata sa Bibliya

Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Puso. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.

"Narinig ninyong sinabi, Huwag kang mangangalunya: Datapuwat sinasabi ko sa inyo, na ang bawat tumingin sa isang babae na may masamang pita ay nagkasala na sa kaniya ng pangangalunya sa kaniyang puso."

Mateo 5:27 Ang Biblia

"Sapagkat kung saan naroroon ang iyong kayamanan, ay doon naman roroon ang iyong puso."

Mateo 6:21 Ang Biblia

"Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunting pang-unawa: Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang itutuwid ang iyong mga landas."

Mga Kawikaan 3:5 Ang Biblia

"At, narito, sa araw na ito ay pumapasok ako sa lakad ng buong lupa: at inyong talastas sa buong puso ninyo at sa buong kaluluwa ninyo, na walang isang bagay na nagkulang sa lahat ng mga mabuting bagay na sinalita ng Panginoon ninyong Diyos tungkol sa inyo; lahat ay nangyari sa inyo, walang isang bagay na nagkulang doon."

Josue 23:14 Ang Biblia

"Ilagay mo akong parang tatak sa iyong puso, parang tatak sa iyong bisig: sapagkat ang pag-ibig ay malakas parang kamatayan; ang paninibugho ay mabagsik parang Sheol: ang mga dila niyan ay mga dila ng apoy, na may marubdob na nagaalab."

Ang Awit ng mga Awit 8:6 Ang Biblia

"Kayo'y mangagpakalakas, at magpatibay ng inyong puso, kayong lahat na umaasa sa Panginoon."

Mga Salmo 31:24 Ang Biblia

"Gayon ma'y ngayon, sabi ng Panginoon, magsipagbalik-loob kayo sa akin ng buo ninyong puso, at may pag-aayuno, at may pag-iyak, at may pananambitan."

Joel 2:12 Ang Biblia

"At pukawin ninyo ang inyong puso, at hindi ang inyong mga kasuotan, at kayo'y magsipagbalik sa Panginoon ninyong Diyos; sapgkat siya'y mapagbiyaya at maawain, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob, at nagsisisi sa kasamaan."

Joel 2:13 Ang Biblia

"At sinabi niya sa kanila, “Wala ba kayong pagkaunawa? Hindi ba ninyo nalalaman, na anuman ang pumasok sa tao mula sa labas ay hindi nakakapagdungis sa kaniya; Sapagkat hindi pumapasok sa kanyang puso, kundi sa kanyang tiyan, at lumalabas sa dumi?” (Sa pagsasabi nito, ipinahayag niyang malinis ang lahat ng pagkain.)"

Marcos 7:18 Ang Biblia

"Kaya't ilayo mo ang kapanglawan sa iyong puso, at alisin mo ang kasamaan sa iyong katawan; sapagkat ang kabataan at ang kasariwaan ng buhay ay walang kabuluhan."

Eclesiastes 11:10 Ang Biblia

"Ang masayang puso ay mabuting gamot, ngunit ang nagpipighating espiritu ay nagpapatuyo ng mga buto."

Mga Kawikaan 17:22 Ang Biblia

"Mapalad ang mga may busilak na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos."

Mateo 5:8 Ang Biblia

"Mapalad ang mga nag-iingat ng kanyang mga patotoo, na hinahanap siya ng buong puso."

Mga Awit 119:2 Ang Biblia

"Ipagkaloob nawa niya sa iyo ang nais ng iyong puso at magtagumpay nawa ang lahat ng iyong mga plano."

Mga Awit 20:4 Ang Biblia

"Ngunit sinabi ng Panginoon kay Samuel, “Huwag mong tingnan ang kanyang anyo o ang kanyang taas, sapagkat itinakwil ko siya. Ang Panginoon ay hindi tumitingin sa mga bagay na tinitingnan ng tao. Ang tao ay tumitingin sa panlabas na anyo, ngunit ang Panginoon ay tumitingin sa puso.”"

1 Samuel 16:7 Ang Biblia

"Ang inyong kagandahan ay huwag maging sa labas lamang, tulad ng pagpiting ng buhok, at pagsusuot ng mga gintong hiyas, o pagbibihis ng magagandang damit. Kundi ang tago na pagkatao ng puso, na may kaakit-akit na walang kasiraan ng espiritung maamo at tahimik, na may malaking halaga sa paningin ng Diyos."

1 Pedro 3:3 Ang Biblia

"Matakot lamang kayo sa Panginoon, at paglingkuran ninyo siya sa katotohanan ng buo ninyong puso; sapagkat isipin ninyo kung anong dakilang mga bagay ang ginawa niya sa inyo."

1 Samuel 12:24 Ang Biblia

"Mag-ingat kayo, mga kapatid, baka magkaroon sa kanino man sa inyo ng isang masamang puso ng kawalan ng pananampalataya, sa paglayo sa buhay na Diyos."

Hebreo 3:12 Ang Biblia