14 Pamilya Mga Talata sa Bibliya
Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Pamilya. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.
"Huwag kang papatay, Huwag kang mangangalunya, Huwag kang magnanakaw, Huwag kang sasaksi sa kasinungalingan, Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina; at, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili."
"Ngunit ang kagandahang-loob ng Panginoon ay mula sa walang hanggan hanggang sa walang hanggan sa mga natatakot sa kaniya, at ang kaniyang katuwiran ay sa mga anak ng mga anak; sa gayong nanginginig ng kaniyang tipan, at sa mga umaalaala ng kaniyang mga utos upang gawin."
"Masdan ninyo, pagkabuti-buti at pagkarikit-rikit sa mga magkakapatid na magsitirahang magkakasama sa pagkakaisa!"
"Ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, sa pamamagitan ng pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na kayong lahat ay mangagsalita ng isang bagay lamang, at huwag magkaroon sa inyo ng mga pagkakabahagi; kundi kayo'y mangagkatipon sa isang pag-iisip at sa isang paghatol."
"Mga minamahal, ngayon ay mga anak tayo ng Diyos, at hindi pa nahahayag kung magiging ano tayo. Nalalaman natin na kung siya'y mahayag, tayo ay magiging katulad niya, sapagkat siya'y ating makikita kung ano siya. At ang bawat taong may ganitong pag-asa sa kaniya ay naglilinis ng kaniyang sarili, gaya niya na dalisay."
"Ngunit kung ang sinuman ay hindi nagbibigay sa kaniyang sariling mga kamag-anak, at lalo na sa mga kasapi ng kaniyang sariling sambahayan, ay itinakuwil niya ang pananampalataya at siya'y lalong masama kaysa hindi sumasampalataya."
"At kanilang sinabi, “Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sambahayan.”"
"At kayong mga ama, huwag ninyong pagalitin ang inyong mga anak, kundi inyong alagaan sila sa disiplina at pangaral ng Panginoon."
"Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at pagka siya'y tumanda na, hindi niya ito tatalikdan."
"Makakalimot baga ang isang babae sa kaniyang susuing anak, na siya'y hindi mahahabag sa anak ng kaniyang bahay-bata? oo, ang mga ito'y nangakakalimot, ngunit hindi ako makakalimot sa iyo. Narito, aking inanyuan ka sa mga palad ng aking mga kamay; ang iyong mga kuta ay laging nanga sa harap ko."
"Ang mga anak ng mga anak ay putong sa matatanda; at ang kaluwalhatian ng mga anak ay ang kanilang mga magulang."
"Ang mga salitang ito na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito ay itatanim mo sa iyong puso. Iyong ituturo nang buong sikap sa iyong mga anak, at iyong sasalitain tungkol sa mga ito kapag ikaw ay nakaupo sa iyong bahay, kapag ikaw ay lumalakad sa daan, kapag ikaw ay nahihiga at kapag ikaw ay bumabangon."
"Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina, upang ang iyong mga araw ay humaba sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos."
"Ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na kayong lahat ay magkasundo sa inyong mga sinasabi at huwag magkaroon ng mga pagkakabahagi sa gitna ninyo, kundi kayo'y maging ganap na nagkakaisa sa pag-iisip at sa pananaw."