62 Pagtitiwala Mga Talata sa Bibliya
Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Pagtitiwala. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.
"Ang puso ng tao ay kumakatha ng kaniyang lakad: ngunit ang Panginoon ang nagtutuwid ng kaniyang mga hakbang."
"Sapagkat akong Panginoon mong Diyos, ay hahawak ng iyong kanang kamay, na magsasabi sa iyo, Huwag kang matakot; aking tutulungan ka."
"Ngunit ngayon, Oh Panginoon, ikaw ay aming Ama; kami ang putik, at ikaw ang magpapalyok sa amin; at kaming lahat ay gawa ng iyong kamay."
"Ginawa niya ang bawat bagay na maganda sa kapanahunan niya: inilagay rin niya ang sangkatauhan sa kanilang puso, gayon ma'y hindi matatalos ng tao ang gawa na ginawa ng Diyos mula sa pasimula hanggang sa wakas."
"Aking itataas ang aking mga mata sa mga bundok; saan magmumula ang aking tulong? Ang tulong sa akin ay nagmumula sa Panginoon, na gumawa ng langit at lupa."
"Umasa ka sa Panginoon: ikaw ay magpakalakas, at magpatibay ang iyong puso; oo, umasa ka sa Panginoon."
"Nang magkagayo'y bumangon si Job, at hinubad ang kaniyang balabal, at inahit ang kaniyang ulo, at nagpatirapa sa lupa, at sumamba, At sinabi niya, Hubad akong lumabas sa bahay-bata ng aking ina, at hubad na babalik ako doon: ang Panginoon ang nagbigay, at ang Panginoon ang nag-alis; purihin ang pangalan ng Panginoon."
"Hindi sa sinasabi ko ang tungkol sa kailangan: sapagkat aking natutuhan ang masiyahan sa anomang kalagayan aking kinaroroonan."
"Mangilag kayo sa pag-ibig sa salapi; mangagkasiya kayo sa mga bagay na mayroon kayo: sapagkat siya rin ang nagsabi, Sa anomang paraan ay hindi kita papayaan, ni sa anomang paraan ay hindi kita pababayaang mag-isa."
"Mangagkaisa kayo ng pag-iisip. Huwag ninyong isipin ang mga dakilang bagay, kundi makiayon kayo sa mga bagay na mabababa. Huwag kayong magmarunong sa inyong sariling mga akala."
"Kaya nga si Pedro ay iningatan sa bilangguan: datapuwat ang iglesia ay laging nananalangin sa Diyos patungkol sa kaniya."
"Sapagkat kung paanong sa isang katawan ay mayroon tayong maraming sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ay hindi pareho ang gawain: Gayon din tayo, na marami, ay iisang katawan kay Cristo, at mga sangkap na isa't isa sa bawat isa."
"Sapagkat ang mga ayon sa laman ay nagtutuon ng kanilang mga pag-iisip sa mga bagay ng laman; ngunit ang mga ayon sa Espiritu ay sa mga bagay ng Espiritu."
"Sapagkat kung paanong sa isang katawan ay mayroon tayong maraming mga bahagi, at ang lahat ng mga bahagi ay walang magkakatulad na gawa, gayundin tayo, na marami, ay isang katawan kay Cristo, at bawat isa'y mga bahagi sa isa't isa."
"Ang aking laman at ang aking puso ay nanginginig: ngunit ang Diyos ay lakas ng aking puso at bahagi ko magpakailanman."
"Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw."
"Ang pagliligtas ay sa Panginoon; ang iyong pagpapala ay sumainyong bayan nawa."
"Ang pagpapala ng Panginoon, ay nagpapayaman, at hindi niya idinadagdag ang kapighatian sa kaniya."
"O kay dakila ng iyong kabutihan na iyong inilaan para sa mga natatakot sa iyo, na iyong ginawa para sa mga nanganganlong sa iyo, sa paningin ng mga anak ng mga tao!"
"Ang Panginoon ay aking pastol, hindi ako magkukulang ng anuman. Pinahihiga niya ako sa luntiang pastulan, pinapatnubayan niya ako sa tabi ng mga tubig na pahinga."
"Ang nakikinig sa turo ay makakasumpong ng kabutihan, at mapalad ang nagtitiwala sa Panginoon."
"At pupunan ng aking Diyos ang bawat kailangan ninyo ayon sa mga kayamanan ng kanyang kaluwalhatian kay Cristo Jesus."
"Ipagkatiwala mo sa Panginoon ang anuman ang iyong ginagawa, at ang iyong mga plano ay maitatatag."
"Ngunit mapalad ang tao na nagtitiwala sa Panginoon, na ang pag-asa ay ang Panginoon. Sapagkat siya'y magiging parang punongkahoy na itinanim sa tabi ng tubig, na nagpapahaba ng kanyang mga ugat sa tabi ng ilog. Hindi siya matatakot pagdating ng init; ang kanyang mga dahon ay laging magiging berde. Hindi siya mababalisa sa taon ng tagtuyot at hindi titigil sa pagpapadala ng bunga."
"Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh Panginoon; ako'y lalakad sa iyong katotohanan: pag-isahing puso mo ang aking puso sa pagkatakot sa iyong pangalan."
"Narito, ang mata ng Panginoon ay nasa kanila na nangatatakot sa kaniya, sa kanila na umaasa sa kaniyang kagandahang-loob."
"Ang Panginoon ay nagpapadukha, at nagpapayaman: siya ang nagpapababa, at siya rin naman ang nagpapataas."
"Ibalik mo kami, Panginoong Diyos ng mga hukbo; papagningningin mo ang iyong mukha, at kami ay maliligtas."
"“Ako ang Alfa at ang Omega,” sabi ng Panginoong Diyos, “na ngayon, at nang nakaraan, at darating, ang Makapangyarihan sa lahat.”"
"Siyang tumatahan sa lihim na dako ng Kataas-taasan ay mananatili sa lilim ng Makapangyarihan sa lahat. Aking sasabihin tungkol sa Panginoon, “Siya ang aking kanlungan at aking kuta; ang aking Diyos, na siyang aking pinagkakatiwalaan.”"