Scripture Library

62 Pagtitiwala Mga Talata sa Bibliya

Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Pagtitiwala. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.

"Aking iginagawad ang aking mga kamay sa iyo: ang aking kaluluwa ay nauuhaw sa iyo na parang tuyong lupa."

Mga Salmo 143:6 Ang Biblia

"Ayon sa kanilang pastulan, gayon sila nangabusog; sila'y nangabusog, at ang kanilang puso ay nagmataas: kaya't kanilang nilimot ako."

Oseas 13:6 Ang Biblia

"Sapagkat iyong sisindihan ang aking ilawan: liliwanagan ng Panginoon kong Diyos ang aking kadiliman."

Mga Salmo 18:28 Ang Biblia

"Sapagkat ang mga ayon sa laman ay nagtutuon ng kaisipan sa mga bagay ng laman; datapuwat ang mga ayon sa Espiritu ay sa mga bagay ng Espiritu."

Roma 8:5 Ang Biblia

"Upang sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos ay dumating ako sa inyo na may kagalakan, at ako'y makapahinga na kasama ninyo."

Roma 15:32 Ang Biblia

"Ngunit ang ating Diyos ay nasa mga langit: kaniyang ginawa ang anomang kaniyang kinalugdan."

Mga Salmo 115:3 Ang Biblia

"Ang pagliligtas ay ukol sa Panginoon: ang iyong pagpapala ay sumaiyong bayan."

Mga Salmo 3:8 Ang Biblia

"Ngunit ikaw, Oh Panginoon, ay kalasag sa palibot ko; aking kaluwalhatian, at ang nagtataas ng aking ulo."

Mga Salmo 3:3 Ang Biblia

"Mula sa mga kalaliman ay dumaing ako sa iyo, Oh Panginoon. Panginoon, pakinggan mo ang aking tinig: pakinggan ng iyong mga tainga ang tinig ng aking mga pagsusumamo."

Mga Salmo 130:1 Ang Biblia

"Narito, ang Diyos ay aking katulong: ang Panginoon ay kasama ng mga umaalalay sa aking kaluluwa."

Mga Salmo 54:4 Ang Biblia

"Sa iyo, Oh Panginoon, nanganganlong ako; huwag mo akong pahintulutang mapahiya kailan man: iligtas mo ako sa iyong katuwiran."

Mga Salmo 31:1 Ang Biblia

"Purihin ang Panginoon, na nagdadala ng ating pasan-pasan araw-araw, samakatuwid baga'y ang Diyos na ating kaligtasan."

Mga Salmo 68:19 Ang Biblia

"Ibalik mo kami, Oh Panginoong Diyos ng mga hukbo; papagningningin mo ang iyong mukha, at kami ay mangaliligtas."

Mga Salmo 80:19 Ang Biblia

"Ngunit sino ako, at ano ang aking bayan, na aming maihahandog na kusa ang gayong bagay? sapagkat ang lahat ng mga bagay ay nagmumula sa iyo, at ang sa iyong sarili ay aming ibinigay sa iyo."

1 Cronica 29:14 Ang Biblia

"Ingatan mo ako, Oh Diyos: sapagkat sa iyo ako nanganganlong."

Mga Salmo 16:1 Ang Biblia

"At ang mga nangasa laman ay hindi makapaglulugod sa Diyos."

Roma 8:8 Ang Biblia

"Sapagkat hindi nila nakuha ang lupain sa pamamagitan ng kanilang sariling tabak, ni ang kanila mang sariling bisig ay nagligtas sa kanila: kundi ang iyong kanang kamay, at ang iyong bisig, at ang liwanag ng iyong mukha, sapagkat ikaw ay may kaluguran sa kanila."

Mga Salmo 44:3 Ang Biblia

"Nang aking sabihin, Ang aking paa ay nadulas; ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, ay umakay sa akin."

Mga Salmo 94:18 Ang Biblia

"Sa kaarawan ng kaginhawahan ay magalak ka, at sa kaarawan ng kahirapan ay gunitain mo: ginawa ng Diyos ang isa na katabi ng iba, upang ang tao ay huwag makasumpong ng anomang bagay na mangyayari pagkamatay niya."

Eclesiastes 7:14 Ang Biblia

"Mula sa aking kagipitan ay tumawag ako sa Panginoon: sinagot ako ng Panginoon at inilagay ako sa malawak na dako."

Mga Salmo 118:5 Ang Biblia

"Maliban na itayo ng Panginoon ang bahay, walang kabuluhang naggagawa ang nagtatayo nito: maliban na ingatan ng Panginoon ang bayan, walang kabuluhang gumigising ang bantay."

Mga Salmo 127:1 Ang Biblia

"Ipakikipaglaban kayo ng Panginoon, at kayo'y tatahimik."

Exodo 14:14 Ang Biblia

"Aking inilagay na lagi ang Panginoon sa harap ko: sapagkat siya'y nasa aking kanan, hindi ako makikilos."

Mga Salmo 16:8 Ang Biblia

"Ang Panginoon ay aking pastor; hindi ako mangangailangan. Niya akong pinahihiga sa luntiang pastulan: pinapatnubayan niya ako sa tabi ng mga tubig na pahingahan."

Mga Salmo 23:1 Ang Biblia

"Kaya't huwag ninyong ikabalisa ang sa araw ng bukas: sapagkat ang araw ng bukas ay bahala sa kaniyang sarili. Sapat na sa araw ang kaniyang sariling kabalisaan."

Mateo 6:34 Ang Biblia

"Hindi niya papayagang madausdos ang iyong paa: siyang nag-iingat sa iyo ay hindi iidlip."

Mga Salmo 121:3 Ang Biblia

"May maraming katha sa puso ng tao; ngunit ang payo ng Panginoon, ay siyang tatayo."

Mga Kawikaan 19:21 Ang Biblia

"Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga: Ang nananatili sa akin, at ako sa kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami: sapagkat kung kayo'y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa."

Juan 15:5 Ang Biblia

"Siya'y nagbibigay ng lakas sa mahina; at ang walang kapangyarihan ay pinasisagana niya sa lakas."

Isaias 40:29 Ang Biblia

"Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunting pang-unawa: Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang itutuwid ang iyong mga landas."

Mga Kawikaan 3:5 Ang Biblia