7 Pagtitiis Mga Talata sa Bibliya
Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Pagtitiis. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.
"Ipakikipaglaban kayo ng Panginoon, at kayo'y tatahimik."
"Umasa ka sa Panginoon: ikaw ay magpakalakas, at magpatibay ang iyong puso; oo, umasa ka sa Panginoon."
"Hindi mabagal ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako, na gaya ng pagkaunawa ng ilan sa kabagalan; kundi mapagtiis sa inyo, na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipakarating sa pagsisisi."
"Ngunit ikaw, Oh Panginoon, ay Diyos na puspos ng kahabagan at mapagbiyaya, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob at katotohanan."
"At kaya maghihintay ang Panginoon, upang siya'y maging mapagbiyaya sa inyo, at kaya siya'y matataas, upang siya'y maging mapaghabag sa inyo: sapagkat ang Panginoon ay Diyos ng kahatulan; mapapalad ang lahat na naghihintay sa kaniya."
"Loobin nawa ng Diyos ng pagtitiis at pagpapatibay-loob, na kayo'y magkaisa ng pag-iisip sa isa't isa ayon kay Cristo Jesus."
"Kaya nga, bilang mga hinirang ng Diyos, mga banal at minamahal, magbihis kayo ng isang pusong mapaghabag, ng kagandahang-loob, ng kababaan ng pag-iisip, ng kaamuan, at ng pagtitiis."