16 Pagsisisi Mga Talata sa Bibliya
Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Pagsisisi. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.
"Datapuwat ang maniningil ng buwis, na nakatayo sa kalayuan, ay ayaw man lamang itingin ang kaniyang mga mata sa langit, kundi dindagukan ang kaniyang dibdib, na sinasabi, Diyos, ikaw ay mahabag sa akin, na isang makasalanan."
"At nakita ng Diyos ang kanilang mga gawa, na sila'y humiwalay sa kanilang masamang lakad; at nagsisi ang Diyos sa kasamaan na kaniyang sinabing kaniyang gagawin sa kanila; at hindi niya ginawa."
"Sinasabi ko sa inyo, Hindi: datapuwat, maliban na kayo'y mangagsisi, ay mamamatay kayong lahat sa gayon ding paraan."
"Ating usisaing mabuti ang ating mga lakad at ating subukin, at tayo'y magsipagbalik sa Panginoon."
"Sapagkat ang kalungkutang mula sa Diyos ay gumagawa ng pagsisisi sa ikaliligtas, na hindi pagbabalikan: datapuwat ang kalungkutan ng sanlibutan ay gumagawa ng kamatayan."
"Magsipanalig kayo sa aking saway: narito, aking ibubuhos ang aking espiritu sa inyo, aking ipakikilala ang aking mga salita sa inyo."
"Ang mga panahon ng kabandayan ay pinalipas na nga ng Diyos; datapwat ngayo'y ipinag-uutos niya sa mga tao sa bawat dako na mangagsisi."
"At sinasabi, “Naganap na ang panahon, at malapit na ang kaharian ng Diyos: kayo'y mangagsisi, at magsisampalataya sa ebanghelyo.”"
"Magbalik-loob kayo sa akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at ako'y magbabalik-loob sa inyo, sabi ng Panginoon ng mga hukbo."
"Sinasabi ko sa inyo, na gayon din magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang nagsisisi, kaysa siyamnapu't siyam na taong matutuwid na walang kailangang pagsisisi."
"Kayo nga'y mangagbunga ng karapat-dapat sa pagsisisi."
"Hindi ako naparito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan sa pagsisisi."
"Hindi mabagal ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako, na gaya ng pagkaunawa ng ilan sa kabagalan; kundi mapagtiis sa inyo, na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipakarating sa pagsisisi."
"Sapagkat ang Panginoon ninyong Diyos ay mapagbiyaya at maawain, at hindi itatalikod ang kaniyang mukha sa inyo, kung kayo'y magsipagbalik sa kaniya."
"Kaya nga mangagsisi kayo, and magsipagbalik-loob, upang mapawi ang inyong mga kasalanan, upang kung kaya dumating ang mga panahon ng kaginhawahan mula sa harapan ng Panginoon."
"Gayon din, sinasabi ko sa inyo, may kagalakan sa harapan ng mga anghel ng Diyos dahil sa isang makasalanang nagsisisi."