Scripture Library

9 Paglilinis Mga Talata sa Bibliya

Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Paglilinis. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.

"Magsilapit kayo sa Diyos, at siya'y lalapit sa inyo. Maglinis kayo ng inyong mga kamay, kayong mga makasalanan; at dalisayin ninyo ang inyong mga puso, kayong mga may dalawang pag-iisip."

Santiago 4:8 Ang Biblia

"Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan."

1 Juan 1:9 Ang Biblia

"Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyong mga asawa, gaya naman ni Cristo na umibig sa simbahan, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa kaniya; upang kaniyang pakabanalin ito, na nilinis sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig sa pamamagitan ng salita."

Efeso 5:25 Ang Biblia

"Mga minamahal, ngayon ay mga anak tayo ng Diyos, at hindi pa nahahayag kung magiging ano tayo. Nalalaman natin na kung siya'y mahayag, tayo ay magiging katulad niya, sapagkat siya'y ating makikita kung ano siya. At ang bawat taong may ganitong pag-asa sa kaniya ay naglilinis ng kaniyang sarili, gaya niya na dalisay."

1 Juan 3:2 Ang Bagong Ang Biblia

"“Mumarito kayo ngayon, at tayo'y magpaliwanagan,” sabi ng Panginoon. “Bagaman ang inyong mga kasalanan ay kulay-pula, ang mga ito ay magiging mapuputi na parang niebe; bagaman ang mga ito ay mapulang-mapula, ang mga ito ay magiging parang balahibo ng tupa.”"

Isaias 1:18 Ang Biblia

"Ngunit kung tayo'm nagsisilakad sa liwanag, gaya niya na nasa liwanag, ay may pakikisama tayo sa isa't isa, at nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan."

1 Juan 1:7 Ang Biblia

"Gaano pa kaya ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu ay inihandog ang kanyang sarili na walang dungis sa Diyos, ay maglilinis ng inyong budhi mula sa mga patay na gawa upang paglingkuran ang Diyos na buhay!"

Mga Hebreo 9:14 Ang Biblia

"Yayamang taglay natin ang mga pangakong ito, mga minamahal, ay magsipaglinis tayo sa lahat ng karumihan ng laman at ng espiritu, na sakdalang ariin ang kabanalan sa pagkatakot sa Diyos."

2 Corinto 7:1 Ang Biblia

"At sinabi niya, Ang lumalabas sa tao, yaon ang nakahahawa sa tao. Sapagka't mula sa loob, sa puso ng mga tao, lumalabas ang masasamang isipan, pakikiapid, pagnanakaw, pagpatay, pangangalunya, mga kasakiman, kasamaan, pagdaraya, kalibugan, masamang mata, pamumusong, pagmamataas, kamangmangan: Ang lahat ng masasamang bagay na ito ay sa loob lumalabas, at nakahahawa sa tao."

Marcos 7:20 Ang Biblia