Scripture Library

6 Paglilingkod Mga Talata sa Bibliya

Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Paglilingkod. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.

"Sapagkat kayo, mga kapatid, ay tinawag sa kalayaan; huwag lamang gagamitin ang inyong kalayaan upang pagbigyan ang laman, kundi sa pamamagitan ng pag-ibig ay mangaglingkuran kayo."

Galacia 5:13 Ang Biblia

"Sinoman ay hindi makapaglilingkod sa dalawang panginoon: sapagkat kapopootan niya ang isa, at iibigin ang ikalawa; o kaya'y magtatapat sa isa, at aalipustain ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod sa Diyos at sa mga kayamanan."

Mateo 6:24 Ang Biblia

"Sapagkat tayo ay mga kawani ng Diyos: kayo ang bukid ng Diyos, ang gusali ng Diyos."

1 Korinto 3:9 Ang Biblia

"Sumagot ang kanyang panginoon, ‘Magaling, mabuti at tapat na alipin! Naging tapat ka sa kaunting bagay, kaya pamamahalain kita sa maraming bagay. Pumasok ka at makigalak sa kagalakan ng iyong panginoon!’"

Mateo 25:21 Ang Biblia

"Matakot lamang kayo sa Panginoon, at paglingkuran ninyo siya sa katotohanan ng buo ninyong puso; sapagkat isipin ninyo kung anong dakilang mga bagay ang ginawa niya sa inyo."

1 Samuel 12:24 Ang Biblia

"At ngayon, Israel, ano ang hiningi ng Panginoon mong Diyos sa iyo, kundi ang matakot sa Panginoon mong Diyos, lumakad sa lahat ng kanyang mga daan, at ibigin siya, at paglingkuran ang Panginoon mong Diyos ng buong puso mo at ng buong kaluluwa mo, at tuparin ang mga utos ng Panginoon at ang kanyang mga palatuntunan na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito para sa iyong ikabubuti?"

Deuteronomio 10:12 Ang Biblia