Scripture Library

15 Pagkilala Mga Talata sa Bibliya

Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Pagkilala. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.

"Aking kinilala ang aking kasalanan sa iyo, at ang aking kasamaan ay hindi ko ikubli: aking sinabi, aking ipahahayag ang aking mga pagsalangsang sa Panginoon; at iyong ipinatawad ang kasamaan ng aking kasalanan."

Mga Salmo 32:5 Ang Biblia

"Ang sinomang nagkakaila sa Anak, ay wala rin naman sa kaniya ang Ama: ang nagpapahayag sa Anak ay nasa kaniya rin ang Ama."

1 Juan 2:23 Ang Biblia

"Sa pamamagitan nito ay nakikilala ninyo ang Espiritu ng Diyos: ang bawat espiritung nagpapahayag na si Jesu-Kristo ay naparitong nasa laman ay sa Diyos; at ang bawat espiritung hindi nagpapahayag kay Jesus ay hindi sa Diyos. Ito ang espiritu ng antikristo, na inyong narinig na darating, at ngayon ay nasa sanlibutan na."

1 Juan 4:2 Ang Biblia

"At may isang tinig mula sa langit na nagsasabi, “Ito ang aking minamahal na Anak, na aking lubos na kinalulugdan.”"

Mateo 3:17 Ang Biblia

"Ipinahayag ko ang aking kasalanan sa iyo, at ang aking kasamaan ay hindi ko itinago. Aking sinabi, “Ipahahayag ko ang aking mga pagsuway sa Panginoon;” at iyong ipinatawad ang kasalanan ng aking kasalanan."

Mga Awit 32:5 Ang Biblia

"Sino siya, itong Hari ng kaluwalhatian? Ang Panginoon ng mga hukbo, siya ang Hari ng kaluwalhatian!"

Mga Awit 24:10 Ang Biblia

"Ang magtagumpay ay daramtan ng gayon ng mga puting damit; at hindi ko kailanman papawiin ang kaniyang pangalan sa aklat ng buhay, at ipahahayag ko ang kaniyang pangalan sa harapan ng aking Ama, at sa harapan ng kaniyang mga anghel."

Pahayag 3:5 Ang Biblia

"Sapagkat nasusulat: “Buháy ako, sabi ng Panginoon, sa akin ang bawat tuhod ay luluhod, at ang bawat dila ay magpupuri sa Diyos.”"

Roma 14:11 Ang Biblia

"Sapagkat kung ipahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at manampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Diyos sa mga patay, ay maliligtas ka."

Roma 10:9 Ang Biblia

"Makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya, manangan ka sa buhay na walang hanggan, na dito'y tinawag ka, at ipinahayag mo ang mabuting pagpapahayag sa harapan ng maraming saksi."

1 Timoteo 6:12 Ang Biblia

"Manatili tayong matatag sa pag-asa na ating ipinahahayag, sapagkat tapat ang nagbigay ng pangako."

Hebreo 10:23 Ang Biblia

"At ipahayag ng bawat dila na si Jesu-Kristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama."

Filipos 2:11 Ang Biblia

"“Ang Panginoon ang aking bahagi,” ang sabi ng aking kaluluwa, “kaya't ako ay aasa sa kanya.”"

Mga Panaghoy 3:24 Ang Biblia

"Sapagkat ang tao ay nananalig ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa ang pagpapahayag ng bibig sa ikaliligtas."

Roma 10:10 Ang Biblia

"Ang sinumang nagpapahayag na si Jesus ang Anak ng Diyos, ang Diyos ay nananatili sa kanya at siya naman sa Diyos."

1 Juan 4:15 Ang Biblia