27 Pagkamangha Mga Talata sa Bibliya
Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Pagkamangha. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.
"Ngayon nga'y pasakop kayo sa pagkatakot sa Panginoon; mag-ingat kayo at inyong gawin: sapagkat walang kasamaan sa Panginoon nating Diyos, ni magtangi man ng mga tao, ni tumanggap man ng suhol."
"Matakot lamang kayo sa Panginoon, at paglingkuran ninyo siya sa katotohanan ng buo ninyong puso; sapagkat isipin ninyo kung anong dakilang mga bagay ang ginawa niya sa inyo."
"Kaya nga ang simbahan sa buong Judea at Galilea at Samaria ay nagkaroon ng kapayapaan at napatibay; at sa paglakad sa takot sa Panginoon at sa katuwaan sa Espiritu Santo, ay dumami sila."
"Sa kaniya na nanglulupaypay ay dapat magpakita ng kagandahang-loob ang kaniyang kaibigan; baka talikdan niya ang pagkatakot sa Makapangyarihan sa lahat."
"Pagpalain nawa tayo ng Diyos, upang ang lahat ng mga dulo ng lupa ay matakot sa kanya."
"At iyong gaganapin ang mga utos ng Panginoon mong Diyos, upang lumakad ka sa kaniyang mga daan, at matakot ka sa kaniya."
"Sana'y laging ganito ang kanilang puso, na matakot sa akin at tuparin ang lahat ng aking mga utos, upang bumuti sila at ang kanilang mga anak magpakailanman!"
"Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan; may mabuting pagkaunawa ang lahat na nagsisigawa ng kaniyang mga utos: ang kaniyang kapurihan ay nananatili magpakailanman."
"Ibigay ninyo sa lahat ang sa kanila'y nararapat: buwis sa dapat buwisan; abang sa dapat abangan; takot sa dapat katakutan; puri sa dapat purihin."
"Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh Panginoon; ako'y lalakad sa iyong katotohanan: pag-isahing puso mo ang aking puso sa pagkatakot sa iyong pangalan."
"Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan: at ang pagkakilala sa Banal ay pag-unawa."
"Ngunit sa inyo na nangatatakot sa aking pangalan ay sisikat ang araw ng katuwiran na may paggaling sa kaniyang mga pakpak; at kayo'y magsisilabas, at lulukso na gaya ng mga guya sa pook na patabaan."
"At nangyari, sapagkat ang mga hilot ay natakot sa Diyos, na kanyang pinagkalooban sila ng mga sambahayan."
"Purihin ninyo ang Panginoon. Mapalad ang tao na natatakot sa Panginoon, na nagagalak na mainam sa kaniyang mga utos."
"Ang pagkatakot sa Panginoon ay turo ng karunungan; at sa unahan ng karangalan ay ang pagpapakumbaba."
"Maigi ang kaunti na may pagkatakot sa Panginoon, kaysa malaking kayamanan na may kabalisaan."
"Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: matakot ka sa Diyos, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagkat ito ang buong katungkulan ng tao."
"Kayo'y lalakad sa likod ng Panginoon ninyong Diyos, at matatakot sa kaniya, at gaganap ng kaniyang mga utos, at susunod sa kaniyang tinig, at maglilingkod sa kaniya, at mangungunyapit sa kaniya."
"Mapalad ang bawat isa na natatakot sa Panginoon, na lumalakad sa kaniyang mga daan."
"Ang karandangan ay mapanlinlang, at ang kagandahan ay lumilipas; ngunit ang babae na may takot sa Panginoon ay pupurihin."
"Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng kaalaman: ngunit hinahamak ng mga mangmang ang karunungan at turo."
"Huwag kang magpakapantas sa iyong sariling mga mata; matakot ka sa Panginoon, at lumayo ka sa kasamaan. Ito'y magiging kagalingan sa iyong katawan, at pataba sa iyong mga buto."
"Narito, ang mata ng Panginoon ay nasa kanila na nangatatakot sa kaniya, sa kanila na umaasa sa kaniyang kagandahang-loob."
"At ngayon, Israel, ano ang hiningi ng Panginoon mong Diyos sa iyo, kundi ang matakot sa Panginoon mong Diyos, lumakad sa lahat ng kanyang mga daan, at ibigin siya, at paglingkuran ang Panginoon mong Diyos ng buong puso mo at ng buong kaluluwa mo, at tuparin ang mga utos ng Panginoon at ang kanyang mga palatuntunan na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito para sa iyong ikabubuti?"
"Ang ganti sa pagpapakumbaba at pagkatakot sa Panginoon ay kayamanan, at karangalan, at buhay."
"Ang pagkatakot sa Panginoon ay pagkapoot sa kasamaan: ang kapalaluan, at ang pagmamataas, at ang masamang lakad, at ang mapandayang bibig, ay aking kinapopootan."
"Yayamang taglay natin ang mga pangakong ito, mga minamahal, ay magsipaglinis tayo sa lahat ng karumihan ng laman at ng espiritu, na sakdalang ariin ang kabanalan sa pagkatakot sa Diyos."