Scripture Library

11 Pagbibigay Mga Talata sa Bibliya

Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Pagbibigay. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.

"May nagnanasa ng masama sa buong araw: ngunit ang matuwid ay nagbibigay at hindi ipinagkakait."

Mga Kawikaan 21:26 Ang Biblia

"Ngunit sino ako, at ano ang aking bayan, na aming maihahandog na kusa ang gayong bagay? sapagkat ang lahat ng mga bagay ay nagmumula sa iyo, at ang sa iyong sarili ay aming ibinigay sa iyo."

1 Cronica 29:14 Ang Biblia

"Huwag mong ipagkait ang mabuti sa kinauukulan, pagka nasa kapangyarihan ng iyong kamay ang paggawa nito."

Mga Kawikaan 3:27 Ang Biblia

"Bigyan mo ang bawat humihingi sa iyo; at sa kumuha ng iyong mga pag-aari, ay huwag mo nang hinging muli."

Lucas 6:30 Ang Biblia

"Ang masama ay humihiram, at hindi nagbabayad muli: ngunit ang matuwid ay nahahabag at nagbibigay."

Mga Salmo 37:21 Ang Biblia

"At sumagot siya at sinabi sa kanila, “Ang may dalawang baro ay magbahagi sa walang-wala; at ang may pagkain ay gumawa rin ng gayon.”"

Lucas 3:11 Ang Biblia

"At kung ipamigay ko ang lahat ng aking mga pag-aari upang pakainin ang mga dukha, at kung ibigay ko ang aking katawan upang sunugin, ngunit walang pag-ibig, ay walang pakinabang sa akin."

1 Corinto 13:3 Ang Biblia

"At siya na nagbibigay ng binhi sa naghahasik at ng tinapay bilang pagkain, ay magbibigay at magpaparami ng inyong binhi upang ihasik at palalaguin ang mga bunga ng inyong katuwiran."

2 Corinto 9:10 Ang Biblia

"Payayamanin kayo sa lahat ng paraan upang kayo'y maging bukas-palad sa bawat pagkakataon, at sa pamamagitan namin, ang inyong kabutihang-loob ay magbubunga ng pasasalamat sa Diyos."

2 Corinto 9:11 Ang Biblia

"“Dalhin ninyo ang buong ikasampung bahagi sa kamalig, upang magkaroon ng pagkain sa aking bahay. Subukin ninyo ako sa bagay na ito,” sabi ng Panginoon ng mga hukbo, “at tingnan ninyo kung hindi ko bubuksan ang mga bintana ng langit at ibubuhos sa inyo ang isang pagpapala na walang sapat na kalalagyan.”"

Malakias 3:10 Ang Biblia

"Sumagot si Jesus, “Kung ibig mong maging perpekto, humayo ka, ipagbili mo ang iyong mga ari-arian at ibigay mo sa mga mahihirap, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos ay pumarito ka, sumunod ka sa akin.”"

Mateo 19:21 Ang Biblia