Scripture Library

42 Pagbabalik-loob Mga Talata sa Bibliya

Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Pagbabalik-loob. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.

"At pukawin ninyo ang inyong puso, at hindi ang inyong mga kasuotan, at kayo'y magsipagbalik sa Panginoon ninyong Diyos; sapgkat siya'y mapagbiyaya at maawain, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob, at nagsisisi sa kasamaan."

Joel 2:13 Ang Biblia

"Sapagkat ang Panginoon ninyong Diyos ay mapagbiyaya at maawain, at hindi itatalikod ang kaniyang mukha sa inyo, kung kayo'y magsipagbalik sa kaniya."

2 Mga Cronica 30:9 Ang Biblia

"Patayin nga ninyo ang inyong mga sangkap ng katawan na nangasasa ibabaw ng lupa: pakikiapid, karumihan, masamang pita, masasamang nasa, at kasakiman, na siyang pagsamba sa mga diyos-diyosan."

Colosas 3:5 Ang Biblia

"Kung ang aking bayan na tinatawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpakumbaba, at manalangin, at hanapin ang aking mukha, at tumalikod sa kanilang masasamang lakad; ay diringgin ko nga mula sa langit, at patatawarin ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain."

2 Mga Cronica 7:14 Ang Biblia

"Kaya nga mangagsisi kayo, and magsipagbalik-loob, upang mapawi ang inyong mga kasalanan, upang kung kaya dumating ang mga panahon ng kaginhawahan mula sa harapan ng Panginoon."

Mga Gawa 3:19 Ang Biblia

"Sa inyo muna, nang mabuhay na maguli ng Diyos ang kaniyang Lingkod, ay sinugo niya siya upang kayo'y pagpalain, sa pagtalikod ng bawat isa sa inyo sa inyong mga kasamaan."

Mga Gawa 3:26 Ang Biblia

"Sapagkat kung inyong babaguhin ninyong totoo ang inyong mga lakad at ang inyong mga gawa; kung kayo'y maglalapat ng katarungan sa bawat tao at sa kaniyang kapwa; kung hindi ninyo mapipighati ang taga-ibang lupa, ang ulila, at ang babaing bao, at hindi kayo magbubuhos ng walang salang dugo sa dakong ito, ni magsisunod man sa ibang mga diyos sa inyong sariling kapahamakan: ay patitirahin ko nga kayo sa dakong ito, sa lupain na ibinigay ko sa inyong mga magulang mula nang una hanggang sa walang hanggan."

Jeremias 7:5 Ang Biblia

"Sa katotohanan ay binabautismuhan ko kayo sa tubig sa pagsisisi: datapuwat ang dumarating sa hulihan ko ay lalong makapangyarihan kaysa akin, na hindi ako karapat-dapat magdala ng kaniyang mga pangyapak: siya ang sa inyo'y magbabautismo sa Espiritu Santo at sa apoy."

Mateo 3:11 Ang Biblia

"Kaya't iwanan na natin ang mga pangunahing aral tungkol kay Cristo at magpatuloy tayo sa kasakdalan. Huwag na nating ilatag muli ang pundasyon ng pagsisisi mula sa mga patay na gawa, at ng pananampalataya sa Diyos, ng turo tungkol sa mga bautismo, ng pagpapatong ng mga kamay, ng pagkabuhay muli ng mga patay, at ng walang hanggang paghuhukom."

Mga Hebreo 6:1 Ang Biblia

"At sinabi ni Pablo, Nagbautismo si Juan ng bautismo ng pagsisisi, na sinasabi sa bayan na sila'y magsisampalataya sa darating sa hulihan niya, sa makatuwid baga'y kay Jesus."

Mga Gawa 19:4 Ang Biblia

"At sinabi sa kanila ni Pedro, “Mangagsisi kayo, at pabautismo ang bawat isa sa inyo sa pangalan ni Jesu-Cristo sa ikapapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.”"

Mga Gawa 2:38 Ang Biblia

"Gayon din, sinasabi ko sa inyo, may kagalakan sa harapan ng mga anghel ng Diyos dahil sa isang makasalanang nagsisisi."

Lucas 15:10 Ang Biblia