Scripture Library

42 Pagbabalik-loob Mga Talata sa Bibliya

Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Pagbabalik-loob. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.

"Datapuwat ang maniningil ng buwis, na nakatayo sa kalayuan, ay ayaw man lamang itingin ang kaniyang mga mata sa langit, kundi dindagukan ang kaniyang dibdib, na sinasabi, Diyos, ikaw ay mahabag sa akin, na isang makasalanan."

Lucas 18:13 Ang Biblia

"At nakita ng Diyos ang kanilang mga gawa, na sila'y humiwalay sa kanilang masamang lakad; at nagsisi ang Diyos sa kasamaan na kaniyang sinabing kaniyang gagawin sa kanila; at hindi niya ginawa."

Jonás 3:10 Ang Biblia

"Kaya nga, sa pag-iwan ng mga simulang aral tungkol kay Cristo, ay magpatuloy tayo sa kasakdalan; na huwag nating ilagay na muli ang patibayan ng pagsisisi sa mga patay na gawa, at ng pananampalataya sa Diyos, ng turo tungkol sa mga pagbautismo, at ng pagpapatong ng mga kamay, at ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, at ng paghuhukom na walang hanggan."

Hebreo 6:1 Ang Biblia

"May kasiyahan ba ako sa kamatayan ng masama? sabi ng Panginoong Diyos; at hindi baga na siya'y humiwalay sa kaniyang lakad, at mabuhay?"

Ezekiel 18:23 Ang Biblia

"Huwag kayong maging gaya ng inyong mga magulang, na pinagsasabihan ng mga unang propeta, na nagsasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Magsipagbalik kayo ngayon mula sa inyong masasamang lakad, at mula sa inyong masasamang gawa: ngunit hindi sila nangakinig, ni nangakinig man sa akin, sabi ng Panginoon."

Zacarias 1:4 Ang Biblia

"Sinasabi ko sa inyo, Hindi: datapuwat, maliban na kayo'y mangagsisi, ay mamamatay kayong lahat sa gayon ding paraan."

Lucas 13:3 Ang Biblia

"Ating usisaing mabuti ang ating mga lakad at ating subukin, at tayo'y magsipagbalik sa Panginoon."

Mga Panaghoy 3:40 Ang Biblia

"Sapagkat ang kalungkutang mula sa Diyos ay gumagawa ng pagsisisi sa ikaliligtas, na hindi pagbabalikan: datapuwat ang kalungkutan ng sanlibutan ay gumagawa ng kamatayan."

2 Korinto 7:10 Ang Biblia

"Magdala kayo ng mga salita sa inyo, at magsipagbalik kayo sa Panginoon: sabihin ninyo sa kaniya, Alisin mo ang buong kasamaan, at tanggapin mo ang mabuti: sa gayo'y aming ihahandog ang mga toro na aming mga labi."

Oseas 14:2 Ang Biblia

"Magsipanalig kayo sa aking saway: narito, aking ibubuhos ang aking espiritu sa inyo, aking ipakikilala ang aking mga salita sa inyo."

Mga Kawikaan 1:23 Ang Biblia

"Huwag kayong mangagbulaan sa isa't isa; yamang hinubad na ninyo ang lumang tao pati ng kaniyang mga gawa, at kayo'y nangagbihis ng bagong tao, na napaninibago sa kaalaman ayon sa larawan ng lumalang sa kaniya."

Colosas 3:9 Ang Biblia

"Mga kapatid, kung ang sinoman ay masumpungan sa anomang pagkakasala, kayong mga espirituwal ay inyong papanumbalikin ang gayon sa espiritu ng kaamuan; na lumingon ka sa iyong sarili, baka ikaw naman ay matukso."

Galacia 6:1 Ang Biblia

"Gumising kayo nang tumpak, at huwag mangagkasala; sapagkat may mga taong walang pagkakilala sa Diyos: sinasabi ko ito upang kayo'y mangahiya."

1 Korinto 15:34 Ang Biblia

"Kayo'y mangagsisi, at kayo'y magsipagbalik-loob mula sa lahat ng inyong mga pagsalangsang; sa gayo'y ang kasamaan ay hindi magiging inyong kapahamakan."

Ezekiel 18:30 Ang Biblia

"Ang mga panahon ng kabandayan ay pinalipas na nga ng Diyos; datapwat ngayo'y ipinag-uutos niya sa mga tao sa bawat dako na mangagsisi."

Mga Gawa 17:30 Ang Biblia

"At huwag din naman ninyong ihandog ang inyong mga sangkap sa kasalanan na pinakakasangkapan ng kalikuan; kundi ihandog ninyo ang inyong sarili sa Diyos, na tulad sa nangabuhay sa mga patay, at ang inyong mga sangkap na pinakakasangkapan ng katuwiran sa Diyos."

Roma 6:13 Ang Biblia

"Iwan ng masama ang kaniyang lakad, at ng liko ang kaniyang mga pag-iisip; at magbalik-loob siya sa Panginoon, at kaawaan niya siya; at sa ating Diyos, sapagkat siya'y magpapatawad ng sagana."

Isaias 55:7 Ang Biblia

"Ngunit kung ang masama ay humiwalay sa lahat ng kaniyang mga kasalanan na kaniyang nangagawa, at tuparin ang lahat ng aking mga palatuntunan, at gawin ang matuwid at tama, siya'y walang pagsalang mabubuhay, siya'y hindi mamamatay."

Ezekiel 18:21 Ang Biblia

"Ang lahat ng aking iniibig, ay aking sinasaway at pinarurusahan: ikaw nga'y magsikap, at magsisi."

Apocalipsis 3:19 Ang Biblia

"Gayon ma'y ngayon, sabi ng Panginoon, magsipagbalik-loob kayo sa akin ng buo ninyong puso, at may pag-aayuno, at may pag-iyak, at may pananambitan."

Joel 2:12 Ang Biblia

"Mula noon ay nagpasimulang nangaral si Jesus, at nagsabi, “Mangagsisi kayo; sapagkat malapit na ang kaharian ng langit.”"

Mateo 4:17 Ang Biblia

"At sinasabi, “Naganap na ang panahon, at malapit na ang kaharian ng Diyos: kayo'y mangagsisi, at magsisampalataya sa ebanghelyo.”"

Marcos 1:15 Ang Biblia

"Magbalik-loob kayo sa akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at ako'y magbabalik-loob sa inyo, sabi ng Panginoon ng mga hukbo."

Zacarias 1:3 Ang Biblia

"Sinasabi ko sa inyo, na gayon din magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang nagsisisi, kaysa siyamnapu't siyam na taong matutuwid na walang kailangang pagsisisi."

Lucas 15:7 Ang Biblia

"Kaya't ihiwalay ninyo ang lahat na karumihan at ang kalabisan ng kasamaan, at tanggapin ninyo nang may kaamuan ang salitang itinanim, na makapagliligtas ng inyong mga kaluluwa."

Santiago 1:21 Ang Biblia

"Aking pinawi na parang makapal na ulap ang iyong mga pagsalangsang, at parang ulap ang iyong mga kasalanan: magbalik-loob ka sa akin; sapagkat tinubos kita."

Isaias 44:22 Ang Biblia

"Kayo nga'y mangagbunga ng karapat-dapat sa pagsisisi."

Mateo 3:8 Ang Biblia

"Hindi ako naparito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan sa pagsisisi."

Lucas 5:32 Ang Biblia

"Hindi mabagal ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako, na gaya ng pagkaunawa ng ilan sa kabagalan; kundi mapagtiis sa inyo, na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipakarating sa pagsisisi."

2 Pedro 3:9 Ang Biblia

"Sapagkat wala akong kasayahan sa kamatayan ng namamatay, sabi ng Panginoong Diyos: kaya't mangagbalik-loob kayo, at mangabuhay."

Ezekiel 18:32 Ang Biblia