14 Pag-amin Mga Talata sa Bibliya
Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Pag-amin. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.
"Magsilapit kayo sa Diyos, at siya'y lalapit sa inyo. Maglinis kayo ng inyong mga kamay, kayong mga makasalanan; at dalisayin ninyo ang inyong mga puso, kayong mga may dalawang pag-iisip."
"Nang ako'y tumahimik, ang aking mga buto ay nangatuyo dahil sa aking pagdaing sa buong araw."
"Kami ay nangagkasala, at nangagpakasama, at nanggagawa ng kasamaan, at nangaghimagsik, oo, na kami'y nangahiwalay sa iyong mga utos at sa iyong mga kahatulan."
"Sapagkat ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos; palibhasa'y inaring-ganap nang walang bayad ng kaniyang biyaya sa pamamagitan ng pagtubos na nasa kay Cristo Jesus."
"At mangyayari, pagka siya'y naging makasalanan sa isa sa mga bagay na ito, ay kaniyang ipahahayag ang bagay na kaniyang ipagkasala."
"Kaya nga mangagsisi kayo, and magsipagbalik-loob, upang mapawi ang inyong mga kasalanan, upang kung kaya dumating ang mga panahon ng kaginhawahan mula sa harapan ng Panginoon."
"Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan."
"Ang nagtatakip ng kaniyang mga pagsalangsang ay hindi kakahantungan ng mabuti: ngunit ang nagpapahayag at nagtatakuwil ng mga yaon ay magkakamit ng kaawaan."
"Aking kinilala ang aking kasalanan sa iyo, at ang aking kasamaan ay hindi ko ikubli: aking sinabi, aking ipahahayag ang aking mga pagsalangsang sa Panginoon; at iyong ipinatawad ang kasamaan ng aking kasalanan."
"Kaya nga ipahayag ninyo ang inyong mga kasalanan sa isa't isa, at ipanalangin ninyo ang isa't isa, upang kayo'y mangagaling. Malaki ang nagagawa ng matuwid na panalangin ng taong matuwid kapag ito'y masikap."
"Ang sinomang nagkakaila sa Anak, ay wala rin naman sa kaniya ang Ama: ang nagpapahayag sa Anak ay nasa kaniya rin ang Ama."
"Sapagkat kung ipahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at manampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Diyos sa mga patay, ay maliligtas ka."
"Makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya, manangan ka sa buhay na walang hanggan, na dito'y tinawag ka, at ipinahayag mo ang mabuting pagpapahayag sa harapan ng maraming saksi."
"Sapagkat ang tao ay nananalig ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa ang pagpapahayag ng bibig sa ikaliligtas."