13 Pag-aasawa Mga Talata sa Bibliya
Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Pag-aasawa. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.
"Huwag magkait ang isa't isa, maliban kung pagkasunduan sa ilang panahon, upang kayo'y makatalaga sa pananalangin, at muling magkasama, baka kayo'y tuksuhin ni Satanas dahil sa inyong kawalan ng pagpipigil sa sarili."
"Narinig ninyong sinabi, Huwag kang mangangalunya: Datapuwat sinasabi ko sa inyo, na ang bawat tumingin sa isang babae na may masamang pita ay nagkasala na sa kaniya ng pangangalunya sa kaniyang puso."
"Maging marangal nawa sa lahat ang pag-aasawa, at huwag nawang madungisan ang higaan: sapagkat ang mga mapakiapid at ang mga mapangalunya ay hahatulan ng Diyos."
"Datapuwat, dahil sa mga pakikiapid, ang bawat lalaki ay magkaroon ng kaniyang sariling asawa, at ang bawat babae ay magkaroon ng kaniyang sariling asawa."
"Ang puso ng tao ay kumakatha ng kaniyang lakad: ngunit ang Panginoon ang nagtutuwid ng kaniyang mga hakbang."
"At siya'y sumagot at sinabi, Hindi ninyo ba nabasa, na ang lumalang sa kanila sa pasimula, ay nilalang sila na lalaki at babae, at sinabi, Dahil dito'y iiwan ng lalaki ang kaniyang ama at ina, at makikipag-pisan sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman? Kaya nga hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Ang pinagsama nga ng Diyos, ay huwag ihiwalay ng tao."
"At sinabi ng Panginoong Diyos, Hindi mabuti na ang tao ay mag-isa; siya'y igagawa ko ng isang katulong na kapareha niya."
"Ngunit buhat sa pasimula ng paglikha, ‘Lalaki at babaeng nilikha niya sila.’ ‘Dahil dito'y iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina, at makikipag-isa sa kanyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman.’ Kaya't hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Ang pinagsama nga ng Diyos, ay huwag itong ihiwalay ng tao.”"
"Mga babae, pasakop kayo sa inyu-inyong sariling asawa, na gaya ng sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng babae, gaya naman ni Cristo na ulo ng simbahan, na siya rin ang Tagapagligtas ng katawan."
"“Dahil dito'y iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina, at makikipag-isa sa kanyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman.”"
"Gayundin naman, nararapat ibigin ng mga lalaki ang kani-kanilang sariling asawa, na gaya ng kanilang sariling mga katawan. Ang umiibig sa kanyang sariling asawa ay umiibig sa kanyang sarili."
"At ang tadyang na kinuha ng Panginoong Diyos sa lalaki ay ginawang isang babae, at ito'y dinala niya sa lalaki. At sinabi ng lalaki, Ito nga'y buto ng aking mga buto, at laman ng aking laman: siya'y tatawaging Babae, sapagkat sa Lalaki siya kinuha. Dahil dito'y iiwan ng lalaki ang kaniyang ama at ang kaniyang ina, at makikipag-isa sa kaniyang asawa: at sila'y magiging isang laman."
"Ibigay ng lalaki sa kanyang asawa ang sa kanya ay nararapat; at gayundin naman ang babae sa kanyang asawa. Ang babae ay walang kapangyarihan sa kanyang sariling katawan, kundi ang kanyang asawa; at gayundin naman ang lalaki ay walang kapangyarihan sa kanyang sariling katawan, kundi ang kanyang asawa."