Scripture Library

8 Pag-aalala Mga Talata sa Bibliya

Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Pag-aalala. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.

"Kaya't huwag ninyong ikabalisa ang sa araw ng bukas: sapagkat ang araw ng bukas ay bahala sa kaniyang sarili. Sapat na sa araw ang kaniyang sariling kabalisaan."

Mateo 6:34 Ang Biblia

"At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ang Diyos din ang sasa kanila, at magiging Diyos nila: At papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng kalungkutan, o ng pag-iyak, o ng pighati man: ang mga unang bagay ay lumipas na."

Apocalipsis 21:3 Ang Biblia

"Ang kapayapaan ay iniiwan ko sa inyo; ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo: hindi gaya ng ibinibigay ng sanlibutan, ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag magulumihanan ang inyong puso, ni matakot man."

Juan 14:27 Ang Biblia

"Sapagkat ang kalungkutang mula sa Diyos ay gumagawa ng pagsisisi sa ikaliligtas, na hindi pagbabalikan: datapuwat ang kalungkutan ng sanlibutan ay gumagawa ng kamatayan."

2 Korinto 7:10 Ang Biblia

"Huwag kayong magbalisa sa inyong buhay, kung ano ang inyong kakanin; o sa inyong katawan, kung ano ang inyong daramtin. Sapagkat ang buhay ay higit kaysa pagkain, at ang katawan kaysa damit."

Lucas 12:22 Ang Biblia

"Kaya't ilayo mo ang kapanglawan sa iyong puso, at alisin mo ang kasamaan sa iyong katawan; sapagkat ang kabataan at ang kasariwaan ng buhay ay walang kabuluhan."

Eclesiastes 11:10 Ang Biblia

"At kayang pumarami ng Diyos ang bawat biyaya sa inyo, upang sa lahat ng bagay, sa lahat ng panahon, na mayroon kayo ng lahat ng inyong kailangan, kayo ay sumagana sa bawat mabuting gawa."

2 Corinto 9:8 Ang Biblia

"Kaya nga sinasabi ko sa inyo: Huwag kayong magbalisa tungkol sa inyong buhay, kung ano ang inyong kakanin, o kung ano ang inyong iinumin; kahit tungkol sa inyong katawan, kung ano ang inyong daramtin. Hindi ba ang buhay ay higit kaysa pagkain, at ang katawan kaysa damit?"

Mateo 6:25 Ang Biblia