11 Mga Himala Mga Talata sa Bibliya
Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Mga Himala. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.
"Datapwat nang makita nila na siya'y lumalakad sa ibabaw ng dagat, ay inakala nila na yao'y isang multo, at nagsisigaw; sapagkat nakita siya ng lahat, at nangaligalig. Datapwat pagdaka'y nagsalita siya sa kanila, at sa kanila'y sinabi, “Laksan ninyo ang inyong loob: ako nga; huwag kayong matakot.”"
"Ganito ang pagkapanganak kay Jesu-Cristo: Nang si Maria na kaniyang ina ay maikasal na kay Jose, bago sila magsama, siya ay natagpuang nagdadalang-tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo."
"Kaya't ang Panginoon mismo ang magbibigay sa inyo ng tanda: Masdan ninyo, ang isang birhen ay magdadalang-tao at manganganak ng isang lalaki, at tatawagin ang kaniyang pangalan na Emmanuel."
"Nangyari ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta: “Masdan ninyo, ang birhen ay magdadalang-tao at manganganak ng isang lalaki, at tatawagin nila ang kaniyang pangalang Emmanuel” (na ang ibig sabihin ay, Kasama natin ang Diyos)."
"Sapagkat iyong inanyuan ang aking mga bato: iyo akong tinakpan sa bahay-bata ng aking ina. Ako'y magpapasalamat sa iyo; sapagkat kagulatgulat at kahanga-hanga ang pagkakagawa sa akin: kahanga-hanga ang iyong mga gawa; at iyan ay alam na alam ng aking kaluluwa."
"At pagkakuha sa limang tinapay at sa dalawang isda, tumingala siya sa langit, pinagpala ang mga ito, pinaghati-hati, at ibinigay sa mga alagad upang ipamahagi sa maraming tao. At kumain silang lahat at nabusog; at kinuha ang mga lumabis na pira-piraso, labindalawang bakol."
"Sapagkat ikaw ang lumikha ng aking mga panloob na bahagi; tinahi mo ako sa sinapupunan ng aking ina. Pupurihin kita sapagkat ako'y kamangha-mangha at kahanga-hangang nilikha; ang iyong mga gawa ay kahanga-hanga, at iyan ay lubos kong nalalaman."
"Matakot lamang kayo sa Panginoon, at paglingkuran ninyo siya sa katotohanan ng buo ninyong puso; sapagkat isipin ninyo kung anong dakilang mga bagay ang ginawa niya sa inyo."
"At pagkasabi niya ng mga bagay na ito, samantalang sila'y tumitingin, siya'y dinala sa itaas; at siya've tinanggap ng isang ulap at ikubli sa kanilang paningin."
"“Narito, ako ang Panginoon, ang Diyos ng lahat ng laman; mayroon bang anumang bagay na napakahirap sa akin?”"
"Sapagkat walang salitang mula sa Diyos na mawawalan ng kapangyarihan."