Scripture Library

15 Mga Anghel Mga Talata sa Bibliya

Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Mga Anghel. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.

"At walang pagtatalo, dakila ang hiwaga ng kabanalan: Siya na nahayag sa laman, pinatunayan sa Espiritu, nakita ng mga anghel, ipinangaral sa mga bansa, sinampalatayanan sa sanlibutan, tinanggap sa itaas sa kaluwalhatian."

1 Timoteo 3:16 Ang Biblia

"Ngunit habang pinagbubulay-bulay niya ang mga bagay na ito, narito, isang anghel ng Panginoon ang nagpakita sa kaniya sa panaginip na nagsasabi, “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tanggapin si Maria na iyong asawa, sapagkat ang nagdadalang-tao sa kaniya ay sa Espiritu Santo.”"

Mateo 1:20 Ang Biblia

"Sapagkat ang Anak ng Tao ay pariritong nasa kaluwalhatian ng kanyang Ama na kasama ang kanyang mga anghel; at kung magkagayon ay gagantihan ang bawat tao ayon sa kanyang mga gawa."

Mateo 16:27 Ang Biblia

"At sinabi ng anghel sa kaniya, “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat nakasumpong ka ng biyaya sa Diyos. At narito, magdadalang-tao ka at manganganak ng isang lalaki, at papangalanan mo siyang Jesus.”"

Lucas 1:30 Ang Biblia

"At samantalang sila'y nakatitig sa langit habang siya'y pumapailanlang, narito, dalawang lalaking nakadamit-puti ang tumayo sa tabi nila, na nangagsabi, “Kayong mga lalaking taga-Galilea, bakit kayo nakatayo rito at tumitingin sa langit? Itong si Jesus na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay pariritong muli sa gayon ding paraan ayon sa inyong nakitang pagparoon niya sa langit.”"

Mga Gawa 1:10 Ang Biblia

"Gayon din, sinasabi ko sa inyo, may kagalakan sa harapan ng mga anghel ng Diyos dahil sa isang makasalanang nagsisisi."

Lucas 15:10 Ang Biblia

"At sumagot ang anghel at sinabi sa mga babae, Huwag kayong mangatakot; sapagkat nalalaman ko na inyong hinahanap si Jesus na ipinako sa krus. Siya'y wala rito; sapagkat siya'y nabuhay na maguli, ayon sa sinabi niya. Magsiparito kayo, tingnan ninyo ang dakong kinalagyan ng Panginoon."

Mateo 28:5 Ang Biblia

"“Kaluwalhatian sa Diyos sa kataas-taasang langit, at sa lupa ay kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya.”"

Lucas 2:14 Ang Biblia

"Ngunit sinabi sa kanila ng anghel, “Huwag kayong matakot, sapagkat narito, dinadalhan ko kayo ng mabuting balita ng malaking kagalakan na para sa buong bayan.”"

Lucas 2:10 Ang Biblia

"Sapagkat ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Diyos: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangababuhay na maguli; Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawíng kasama nila sa mga ulap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailanman."

1 Tesalonica 4:16 Ang Biblia

"Kung ako'y magsalita ng mga wika ng mga tao at ng mga anghel, datapuwat wala akong pag-ibig, ako ay naging tanso na tumutunog, o batingaw na kumakalembang."

1 Corinto 13:1 Ang Biblia

"O iniisip mo ba na hindi ako makapananalangin sa aking Ama, at padadalhan niya ako ngayon din ng higit sa labindalawang hukbo ng mga anghel?"

Mateo 26:53 Ang Biblia

"Manatili ang pag-ibig sa mga kapatid. Huwag ninyong kalimutan ang pagpapakita ng kagandahang-loob sa mga naglalakbay: sapagkat sa pamamagitan nito ang ilan ay nakatanggap ng mga anghel nang hindi nila nalalaman."

Hebreo 13:1 Ang Biblia

"Sapagkat ako'y naniniwalang lubos, na kahit ang kamatayan, kahit ang buhay, kahit ang mga anghel, kahit ang mga pamunuan, kahit ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating, kahit ang mga kapangyarihan, Kahit ang kataasan, kahit ang kababaan, alin mang ibang nilalang, ay hindi makahihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos, na nasa kay Cristo Jesus na Panginoon natin."

Roma 8:38 Ang Biblia

"Ang magtagumpay ay daramtan ng gayon ng mga puting damit; at hindi ko kailanman papawiin ang kaniyang pangalan sa aklat ng buhay, at ipahahayag ko ang kaniyang pangalan sa harapan ng aking Ama, at sa harapan ng kaniyang mga anghel."

Pahayag 3:5 Ang Biblia