Scripture Library

16 Lakas Mga Talata sa Bibliya

Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Lakas. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.

"Ngunit tapat ang Panginoon, na magpapatibay sa inyo, at mag-iingat sa inyo laban sa masama."

2 Tesalonica 3:3 Ang Biblia

"Sapagkat hindi nila nakuha ang lupain sa pamamagitan ng kanilang sariling tabak, ni ang kanila mang sariling bisig ay nagligtas sa kanila: kundi ang iyong kanang kamay, at ang iyong bisig, at ang liwanag ng iyong mukha, sapagkat ikaw ay may kaluguran sa kanila."

Mga Salmo 44:3 Ang Biblia

"Siya'y nagbibigay ng lakas sa mahina; at ang walang kapangyarihan ay pinasisagana niya sa lakas."

Isaias 40:29 Ang Biblia

"Sapagkat ang salita ng krus ay kamangmangan sa kanila na nangapapahamak; nguni't sa atin na nangagliligtas ay siyang kapangyarihan ng Diyos."

1 Korinto 1:18 Ang Biblia

"Sapagkat hindi tayo binigyan ng Diyos ng espiritu ng katakutan; kundi ng kapangyarihan at ng pag-ibig at ng pagpipigil sa sarili."

2 Timoteo 1:7 Ang Biblia

"Kayo'y mangagpuyat, mangagpakatibay kayo sa pananampalataya, kayo'y mangagpakalalaki, mangagpakalakas."

1 Korinto 16:13 Ang Biblia

"Kaya nga nagagalak ako sa mga kahinaan, sa mga pag-alipusta, sa mga kakulangan, sa mga pag-uusig, sa mga kagipitan, dahil kay Cristo; sapagkat pagka ako'y mahina, tila nga ako'y malakas."

2 Korinto 12:10 Ang Biblia

"At aking palalakasin ang sambahayan ni Juda, at aking ililigtas ang sambahayan ni Jose, at aking ibabalik sila, sapagkat aking kinahahabagan sila; at sila'y magiging tila hindi ko sila itinakuwil: sapagkat ako ang Panginoon nilang Diyos, at aking didinggin sila."

Zacarias 10:6 Ang Biblia

"Ngayon sa makagawa ng lubhang kasaganaang higit sa lahat ng ating hinihingi o iniisip, ayon sa kapangyarihang gumagawa sa atin, sa kaniya nawa ang kaluwalhatian sa simbahan at kay Cristo Jesus sa buong mga lahi magpakailanman. Amen."

Efeso 3:20 Ang Biblia

"Sumagot ang anghel at sinabi sa kaniya, “Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan; kaya't ang banal na ipanganak ay tatawaging Anak ng Diyos.”"

Lucas 1:35 Ang Bagong Ang Biblia

"Ang aking laman at ang aking puso ay nanginginig: ngunit ang Diyos ay lakas ng aking puso at bahagi ko magpakailanman."

Mga Salmo 73:26 Ang Biblia

"Sapagkat ang kaniyang mga bagay na hindi nakikita mula nang lalangin ang sanlibutan ay hayag na nakikita, sa pagkaalam sa pamamagitan ng mga bagay na ginawa, maging ang kaniyang walang hanggang kapangyarihan at pagka-Diyos; upang sila'y walang maidahilan:"

Roma 1:20 Ang Biblia

"Sa katapusan, magpakalakas kayo sa Panginoon, at sa kapangyarihan ng kanyang lakas."

Efeso 6:10 Ang Biblia

"Ang kayamanan at gayon din ang karangalan ay nagmumula sa iyo, at ikaw ang nagpupuno sa lahat; at nasa iyong kamay ang kapangyarihan at kalakasan; at nasa iyong kamay ang pagpapadakila, at pagbibigay ng lakas sa lahat."

1 Cronica 29:12 Ang Biblia

"Ah Panginoong Diyos! narito, iyong ginawa ang langit at ang lupa sa pamamagitan ng iyong dakilang kapangyarihan at sa pamamagitan ng iyong bisig na unat; walang bagay na lalong mahirap sa iyo:"

Jeremias 32:17 Ang Biblia

"Iyo, Panginoon, ang kadakilaan, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, at ang pagtatagumpay, at ang karangalan; sapagkat ang lahat na nasa langit at nasa lupa ay iyo. Iyo ang kaharian, Panginoon, at ikaw ay naitaas na pinuno sa lahat."

1 Cronica 29:11 Ang Biblia