Scripture Library

7 Katotohanan Mga Talata sa Bibliya

Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Katotohanan. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.

"Kayo'y sa inyong amang diyablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa sa pasimula, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagkat walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagkat siya'y isang sinungaling, at ama nito."

Juan 8:44 Ang Biblia

"Sa kaniyang sariling kalooban ay ipinanganak niya tayo sa pamamagitan ng salita ng katotohanan, upang tayo'y maging isang uri ng mga unang bunga ng kaniyang mga nilalang."

Santiago 1:18 Ang Biblia

"Kundi sa pagsasalita ng katotohanan na may pag-ibig, ay magsilaki sa lahat ng mga bagay sa kaniya, na siyang pangulo, sa makatuwid baga'y si Cristo."

Efeso 4:15 Ang Biblia

"Wala nang higit na kagalakan sa akin kaysa rito, ang marinig na ang aking mga anak ay lumalakad sa katotohanan."

3 Juan 1:4 Ang Bagong Ang Biblia

"Ang lumalakad nang walang kapintasan, at gumagawa ng katuwiran, at nagsasalita ng katotohanan sa kanyang puso; na hindi nanamantala sa pamamagitan ng kanyang dila, hindi gumagawa ng masama sa kanyang kapuwa, at hindi nagpapahayag ng dungis laban sa iba."

Mga Awit 15:2 Ang Biblia

"Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh Panginoon; ako'y lalakad sa iyong katotohanan: pag-isahing puso mo ang aking puso sa pagkatakot sa iyong pangalan."

Mga Awit 86:11 Ang Biblia

"Sinabi nga ni Jesus sa mga Judiong sumasampalataya sa kanya, “Kung kayo'y mananatili sa aking salita, kayo nga ay tunay kong mga alagad; at inyong malalaman ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.”"

Juan 8:31 Ang Biblia