Scripture Library

8 Katapatan Mga Talata sa Bibliya

Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Katapatan. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.

"Datapuwat sinabi ni Pedro, Ananias, bakit pinuno ni Satanas ang iyong puso upang magsinungaling sa Espiritu Santo, at magtago ng bahagi ng halaga ng lupa? Habang nananatili aling hindi sa iyo? at nang maipagbili na, aling hindi nasa iyong kapangyarihan? Bakit mo pinag-isipan ang bagay na ito sa iyong puso? hindi ka nagsinungaling sa mga tao, kundi sa Diyos."

Mga Gawa 5:3 Ang Biblia

"Huwag mong ipagkait ang mabuti sa kinauukulan, pagka nasa kapangyarihan ng iyong kamay ang paggawa nito."

Mga Kawikaan 3:27 Ang Biblia

"Maigi ang kaunti na may katuwiran, kaysa malaking pakinabang na may kalikuan."

Mga Kawikaan 16:8 Ang Biblia

"Gawa ng mga kaawaan ng Panginoon na tayo'y hindi nalipol, sapagkat ang kaniyang mga habag ay hindi nagwawakas. Ang mga ito'y bago tuwing umaga; dakila ang iyong katapatan."

Mga Panaghoy 3:22 Ang Biblia

"Tapat ang tumatawag sa inyo, at gagawin niya ito."

1 Tesalonica 5:24 Ang Bagong Ang Biblia

"Mapalad ang mga may busilak na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos."

Mateo 5:8 Ang Biblia

"Ngayon nga'y pasakop kayo sa pagkatakot sa Panginoon; mag-ingat kayo at inyong gawin: sapagkat walang kasamaan sa Panginoon nating Diyos, ni magtangi man ng mga tao, ni tumanggap man ng suhol."

2 Cronica 19:7 Ang Biblia

"Ibigay ninyo sa lahat ang sa kanila'y nararapat: buwis sa dapat buwisan; abang sa dapat abangan; takot sa dapat katakutan; puri sa dapat purihin."

Roma 13:7 Ang Biblia