Scripture Library

11 Katapangan Mga Talata sa Bibliya

Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Katapangan. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.

"Kayo'y magpakalakas at magpakatapang, huwag kayong matakot, ni mangilabot sa kanila; sapagkat ang Panginoon mong Diyos ay siyang pumaparoon na kasama mo; hindi ka niya kukulangin ni pababayaan ka man."

Deuteronomio 31:6 Ang Biblia

"Umasa ka sa Panginoon: ikaw ay magpakalakas, at magpatibay ang iyong puso; oo, umasa ka sa Panginoon."

Mga Salmo 27:14 Ang Biblia

"Datapwat nang makita nila na siya'y lumalakad sa ibabaw ng dagat, ay inakala nila na yao'y isang multo, at nagsisigaw; sapagkat nakita siya ng lahat, at nangaligalig. Datapwat pagdaka'y nagsalita siya sa kanila, at sa kanila'y sinabi, “Laksan ninyo ang inyong loob: ako nga; huwag kayong matakot.”"

Marcos 6:49 Ang Biblia

"Ang kapayapaan ay iniiwan ko sa inyo; ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo: hindi gaya ng ibinibigay ng sanlibutan, ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag magulumihanan ang inyong puso, ni matakot man."

Juan 14:27 Ang Biblia

"Oo, bagaman ako'y lumalakad sa libis ng lilim ng kamatayan, wala akong kakatkutang kasamaan; sapagkat ikaw ay sumasaakin; ang iyong pamalo at ang iyong tungkod, ay inaaliw ako."

Mga Salmo 23:4 Ang Biblia

"Sapagkat hindi tayo binigyan ng Diyos ng espiritu ng katakutan; kundi ng kapangyarihan at ng pag-ibig at ng pagpipigil sa sarili."

2 Timoteo 1:7 Ang Biblia

"Hindi ba kita binuhat? Magpakalakas ka at magpakatapang na mabuti; huwag kang matakot, ni manglupaypay: sapagkat ang Panginoon mong Diyos ay sasa iyo saan ka man pumaroon."

Josue 1:9 Ang Biblia

"Kayo'y mangagpuyat, mangagpakatibay kayo sa pananampalataya, kayo'y mangagpakalalaki, mangagpakalakas."

1 Korinto 16:13 Ang Biblia

"Kayo'y mangagpakalakas, at magpatibay ng inyong puso, kayong lahat na umaasa sa Panginoon."

Mga Salmo 31:24 Ang Biblia

"At ang Panginoon, ay siyang lumalakad sa unahan mo; siya'y sasa iyo, hindi ka niya kukulangin, ni pababayaan ka man: huwag kang matakot, ni manglupaypay."

Deuteronomio 31:8 Ang Biblia

"Purihin nawa ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang Ama ng mga kaawaan at Diyos ng buong kaaliwan; na siyang umaaliw sa atin sa lahat ng ating kapighatian, upang ating maaliw ang nangasa anomang kapighatian, sa pamamagitan ng kaaliwan na inialiw sa atin din ng Diyos."

2 Korinto 1:3 Ang Biblia