51 Kasalanan Mga Talata sa Bibliya
Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Kasalanan. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.
"At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, kalaswaan, kahalayan, pagsamba sa diyos-diyosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkagalit, mga pagkakampihan, mga pagkakabahagi, mga hidwang pananampalataya, mga kapanaghian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito. Tungkol sa mga bagay na ito ay aking binalaan kayo, tulad ng aking pagbabala sa inyo nang una, na ang mga gumagawa ng gayong mga bagay ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos."
"Na siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng punongkahoy, upang pagkamatay natin sa mga kasalanan, ay mangabuhay tayo sa katuwiran; na dahil sa kaniyang mga sugat ay nangagaling kayo."
"At kung ang kanan mong mata ay nakapagpapatitis sa iyo, ay dukutin mo, at iyong itapon: sapagkat may kapakinabangan sa iyo na mapahamak ang isa sa mga sangkap ng iyong katawan, at huwag ang buong katawan mo ay maitapon sa impiyerno."
"At ayon sa kautusan, halos lahat ng mga bagay ay nililinis ng dugo, at kung walang pagbubuhos ng dugo ay walang kapatawaran."
"“Mumarito kayo ngayon, at tayo'y magpaliwanagan,” sabi ng Panginoon. “Bagaman ang inyong mga kasalanan ay kulay-pula, ang mga ito ay magiging mapuputi na parang niebe; bagaman ang mga ito ay mapulang-mapula, ang mga ito ay magiging parang balahibo ng tupa.”"
"Sa kanya'y mayroon tayong katubusan sa pamamagitan ng kanyang dugo, na kapatawaran ng ating mga kasalanan, ayon sa kayamanan ng kanyang biyaya."
"Ang alaala ng matuwid ay pinagpapala, ngunit ang pangalan ng masama ay mabubulok."
"Sa iisang bibig lumalabas ang pagpupuri at ang pagsumpa. Mga kapatid ko, ang mga bagay na ito ay hindi nararapat maging gayon."
"Mapalad siya na ang pagsalansang ay ipinatawad, na ang kasalanan ay natakpan."
"Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama, ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan, ni nauupo man sa upuan ng mga mapang-uyam."
"Ang mabuting tao ay naglalabas ng mabuti mula sa mabuting kayamanan ng kanyang puso, at ang masamang tao ay naglalabas ng masama mula sa masamang kayamanan ng kanyang puso. Sapagkat kung ano ang nag-uumapaw sa puso ay siyang sinasabi ng bibig."
"Ang relihiyon na tinatanggap ng Diyos na ating Ama na dalisay at walang dungis ay ito: ang kalingain ang mga ulila at mga babaeng balo sa kanilang kahirapan, at panatilihin ang sarili na walang bahid ng sanlibutan."
"At ngayon, ano pang hinihintay mo? Tumayo ka, magpabautismo ka at hugasan mo ang iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng pagtawag sa kanyang pangalan."
"At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid baga'y pakikiapid, karumihan, kalibugan, pagsamba sa diosdiosan, enkanto, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga pananaghili, mga pagkagalit, mga pagkakampikampi, mga pagbabahabahagi, mga hidwang pananampalataya, mga pagkainggit, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito: na ipinagpapauna ko sa inyo, gaya ng aking ipinagpauna na sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayon ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Diyos."
"At sinabi niya, Ang lumalabas sa tao, yaon ang nakahahawa sa tao. Sapagka't mula sa loob, sa puso ng mga tao, lumalabas ang masasamang isipan, pakikiapid, pagnanakaw, pagpatay, pangangalunya, mga kasakiman, kasamaan, pagdaraya, kalibugan, masamang mata, pamumusong, pagmamataas, kamangmangan: Ang lahat ng masasamang bagay na ito ay sa loob lumalabas, at nakahahawa sa tao."
"Kayo'y mangagalit at huwag kayong mangagkasala: huwag lumubog ang araw sa inyong galit: Ni bigyan man ng dako ang diyablo."
"Siya'y naghahayag ng mga malalim at lihim na bagay; kanyang nalalaman kung ano ang nasa kadiliman, at ang liwanag ay nananahan sa kanya."
"Kayo ang asin ng lupa; ngunit kung ang asin ay mawalan ng alat, pano pa ito muling papaalatan? Wala na itong kabuluhan kundi ang itapon sa labas at tapakan ng mga tao."
"Sumagot sa kanila si Jesus, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, ang bawat nagkakasala ay alipin ng kasalanan.”"
"Sapagkat kung tayo nga ay naging kaalam niya sa kawangisan ng kaniyang kamatayan, ay magkakayon din naman tayo sa kawangisan ng kaniyang pagkabuhay na maguli: Na nalalaman natin, na ang ating dating pagkatao ay naipako sa krus na kasama niya, upang ang katawang makasalanan ay magiba, upang sa gayo'y huwag na tayong maging alipin pa ng kasalanan;"
"Ipinahayag ko ang aking kasalanan sa iyo, at ang aking kasamaan ay hindi ko itinago. Aking sinabi, “Ipahahayag ko ang aking mga pagsuway sa Panginoon;” at iyong ipinatawad ang kasalanan ng aking kasalanan."