11 Karunungan Mga Talata sa Bibliya
Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Karunungan. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.
"Hindi mo ba naalaman? hindi mo ba narinig? ang walang hanggang Diyos, ang Panginoon, ang Maylalang ng mga wakas ng lupa, hindi nanginghimagod, ni napapagod man; walang makasasaliksik ng kaniyang unawa."
"Magsipanalig kayo sa aking saway: narito, aking ibubuhos ang aking espiritu sa inyo, aking ipakikilala ang aking mga salita sa inyo."
"Hinahamak ng mangmang ang disiplina ng kaniyang ama, ngunit ang nagpapahalaga sa pagsaway ay nagpapakita ng katalinuhan."
"Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan; may mabuting pagkaunawa ang lahat na nagsisigawa ng kaniyang mga utos: ang kaniyang kapurihan ay nananatili magpakailanman."
"Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan: at ang pagkakilala sa Banal ay pag-unawa."
"Ang pagkatakot sa Panginoon ay turo ng karunungan; at sa unahan ng karangalan ay ang pagpapakumbaba."
"Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng kaalaman: ngunit hinahamak ng mga mangmang ang karunungan at turo."
"Sa kapalaluan ay nanggagaling lamang ang pagtatalo: nguni't ang karunungan ay nasa mga nagpapayo."
"Ang galit ng mangmang ay napakikilala pagdaka: nguni't ang matalino ay nagtatakip ng kahihiyan."
"Ang makupad sa galit ay may malaking unawa: nguni't ang madaling magalit ay nagpapakilala ng kamangmangan."
"Ang mangmang ay naglalabas ng buong galit niya: nguni't ang pantas ay nagpipigil na nagpapakalma sa huli."