Scripture Library

9 Kapwa Mga Talata sa Bibliya

Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Kapwa. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.

"Ganito ang sinalita ng Panginoon ng mga hukbo, na nagsasabi, Maglapat kayo ng tunay na kahatulan, at magpakita ng kagandahang-loob at kaawaan ang bawat isa sa kaniyang kapatid; at huwag ninyong pighatiin ang babaing bao, ni ang ulila, ang taga-ibang lupa, ni ang dukha; at sinoman sa inyo ay huwag mag-isip ng masama laban sa kaniyang kapatid sa inyong puso."

Zacarias 7:9 Ang Biblia

"Datapwat ang sinomang mayroong mga pag-aari sa sanlibutang ito, at nakikita ang kaniyang kapatid na nangangailangan, at ipagkait sa kaniya ang kaniyang habag, paanong mananahan ang pag-ibig ng Diyos sa kaniya?"

1 Juan 3:17 Ang Biblia

"Bigyan mo ng kapurihan ang mga babaeng bao na tunay na bao."

1 Timoteo 5:3 Ang Biblia

"Katapustapusan, kayong lahat ay mangagkaisa ng pag-iisip, mangagdamayan, mangag-ibigan sa isa't isa gaya ng magkakapatid, maging mapagpatawad, at may mababang pag-iisip."

1 Pedro 3:8 Ang Biblia

"Kaya nga si Pedro ay iningatan sa bilangguan: datapuwat ang iglesia ay laging nananalangin sa Diyos patungkol sa kaniya."

Mga Gawa 12:5 Ang Biblia

"Sa kaniya na nanglulupaypay ay dapat magpakita ng kagandahang-loob ang kaniyang kaibigan; baka talikdan niya ang pagkatakot sa Makapangyarihan sa lahat."

Job 6:14 Ang Biblia

"Mag-ingat kayo, mga kapatid, baka magkaroon sa kanino man sa inyo ng isang masamang puso ng kawalan ng pananampalataya, sa paglayo sa buhay na Diyos."

Hebreo 3:12 Ang Biblia

"Huwag mong kapootan ang iyong kapatid sa iyong puso: saawatín mong tapat ang iyong kapuwa, upang huwag kang magtaglay ng kasalanan dahil sa kaniya. Huwag kang maghihiganti, ni magtataglay ng sama ng loob laban sa mga anak ng iyong bayan, kundi iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili: ako ang Panginoon."

Levitico 19:17 Ang Biblia

"Manatili ang pag-ibig sa mga kapatid. Huwag ninyong kalimutan ang pagpapakita ng kagandahang-loob sa mga naglalakbay: sapagkat sa pamamagitan nito ang ilan ay nakatanggap ng mga anghel nang hindi nila nalalaman."

Hebreo 13:1 Ang Biblia