7 Kalungkutan Mga Talata sa Bibliya
Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Kalungkutan. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.
"At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ang Diyos din ang sasa kanila, at magiging Diyos nila: At papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng kalungkutan, o ng pag-iyak, o ng pighati man: ang mga unang bagay ay lumipas na."
"Sapagkat ang kalungkutang mula sa Diyos ay gumagawa ng pagsisisi sa ikaliligtas, na hindi pagbabalikan: datapuwat ang kalungkutan ng sanlibutan ay gumagawa ng kamatayan."
"Gayon ma'y ngayon, sabi ng Panginoon, magsipagbalik-loob kayo sa akin ng buo ninyong puso, at may pag-aayuno, at may pag-iyak, at may pananambitan."
"Nang magkagayo'y bumangon si Job, at hinubad ang kaniyang balabal, at inahit ang kaniyang ulo, at nagpatirapa sa lupa, at sumamba, At sinabi niya, Hubad akong lumabas sa bahay-bata ng aking ina, at hubad na babalik ako doon: ang Panginoon ang nagbigay, at ang Panginoon ang nag-alis; purihin ang pangalan ng Panginoon."
"Makigalak kayo sa mga nagagalak; makiyakag kayo sa mga umiiyak."
"Kaya't ilayo mo ang kapanglawan sa iyong puso, at alisin mo ang kasamaan sa iyong katawan; sapagkat ang kabataan at ang kasariwaan ng buhay ay walang kabuluhan."
"Mapalad ang mga nagdadalamhati, sapagkat sila ay aaliwin."