Scripture Library

10 Kaharian Mga Talata sa Bibliya

Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Kaharian. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.

"Mapalad at banal ang may bahagi sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito'y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan; kundi sila'y magiging mga saserdote ng Diyos at ni Cristo, at mangaghahari silang kasama niya sa loob ng isang libong taon."

Apocalipsis 20:6 Ang Biblia

"At sinasabi, “Naganap na ang panahon, at malapit na ang kaharian ng Diyos: kayo'y mangagsisi, at magsisampalataya sa ebanghelyo.”"

Marcos 1:15 Ang Biblia

"Kaya nga hindi na kayo mga dayuhan at mga taga-ibang lupa, kundi kayo'y mga kababayan na kasama ng mga banal, at kasambahay ng Diyos, na mga itinayo sa ibabaw ng patibayan ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus din ang pangulong bato sa panulok."

Efeso 2:19 Ang Biblia

"Ngunit sinabi ni Jesus, “Pabayaang lumapit sa akin ang maliliit na bata, at huwag ninyo silang pagbawalan, sapagkat sa mga katulad nila nauukol ang kaharian ng langit.”"

Mateo 19:14 Ang Bagong Ang Biblia

"Kaya nga, mga kapatid, lalo ninyong pagsikapan na patunayan ang inyong pagkatawag at pagkapili. Sapagkat kung gagawin ninyo ang mga bagay na ito ay hinding-hindi kayo matitisod kailanman, at kayo ay mayaman na tatanggapin sa walang hanggang kaharian ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo."

2 Pedro 1:10 Ang Bagong Ang Biblia

"Mapalad ang mga may mapagpakumbabang espiritu, sapagkat sa kanila ang kaharian ng langit."

Mateo 5:3 Ang Biblia

"Sumagot si Jesus, “Katotohanang sinasabi ko sa iyo, maliban na ang isang tao ay ipanganak sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos.”"

Juan 3:5 Ang Biblia

"Ngayon sa Hari na walang hanggan, walang kamatayan, hindi nakikita, sa iisang Diyos, ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakailanman. Amen."

1 Timoteo 1:17 Ang Biblia

"Iyo, Panginoon, ang kadakilaan, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, at ang pagtatagumpay, at ang karangalan; sapagkat ang lahat na nasa langit at nasa lupa ay iyo. Iyo ang kaharian, Panginoon, at ikaw ay naitaas na pinuno sa lahat."

1 Cronica 29:11 Ang Biblia

"Sino siya, itong Hari ng kaluwalhatian? Ang Panginoon ng mga hukbo, siya ang Hari ng kaluwalhatian!"

Mga Awit 24:10 Ang Biblia