9 Kabanalan Mga Talata sa Bibliya
Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Kabanalan. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.
"Ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, na tandaan ninyo ang mga gumagawa ng pagkakabahagi at ng mga katisuran laban sa mga aral na inyong nangatutuhan: at kayo'y magsilayo sa kanila."
"Kung gibain ng sinuman ang templo ng Diyos, siya'y gigibain ng Diyos; sapagkat ang templo ng Diyos ay banal, na ang templong ito ay kayo."
"Hindi ba ninyo nalalaman na kayo'y templo ng Diyos, at ang Espiritu ng Diyos ay nananahan sa inyo?"
"Kundi kung paanong banal ang tumawag sa inyo, maging banal din naman kayo sa lahat ng inyong pamumuhay; sapagkat nasusulat, "Kayo'y maging banal, sapagkat ako'm banal.""
"Siya ang nagligtas sa atin at tumawag sa atin sa isang banal na pamumuhay—hindi dahil sa ating mga gawa, kundi ayon sa kaniyang sariling layunin at biyaya. Ang biyayang ito ay ibinigay sa atin kay Cristo Jesus bago pa nagsimula ang panahon."
"Sapagkat ito ang kalooban ng Diyos, sa makatuwid baga'y ang inyong pagpapakabanal, na kayo'y magsiilag sa pakikiapid; Na ang bawat isa sa inyo ay makaalam na mag-ingat ng kaniyang sariling sisidlan sa pagpapakabanal at kapurihan, Hindi sa pagnanasa ng kahalayan, na gaya ng mga Gentil na hindi nangakakakilala sa Diyos;"
"Gawin ninyo ang lahat ng bagay nang walang pagbulong-bulong o pagtatalo, upang kayo'y maging walang kapintasan at dalisay, “mga anak ng Diyos na walang dungis sa gitna ng isang lahing baluktot at makasalanan.” Sa gayon ay magliliwanag kayo sa gitna nila na tulad ng mga bituin sa kalangitan habang pinanghahawakan ninyong mabuti ang salita ng buhay."
"Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan: at ang pagkakilala sa Banal ay pag-unawa."
"Yayamang taglay natin ang mga pangakong ito, mga minamahal, ay magsipaglinis tayo sa lahat ng karumihan ng laman at ng espiritu, na sakdalang ariin ang kabanalan sa pagkatakot sa Diyos."