5 Impiyerno Mga Talata sa Bibliya
Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Impiyerno. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.
"At sa Hades na nasa mga pagdurusa ay itiningin niya ang kaniyang mga mata, at natanaw sa malayo si Abraham, at si Lazaro ay nasa kaniyang sinapupunan. At siya'y sumigaw at sinabi, Amang Abraham, maawa ka sa akin, at suguin mo si Lazaro, upang itubog niya ang dulo ng kaniyang daliri sa tubig, at palamigin ang aking dila; sapagkat ako'y nagdarahop sa alab na ito."
"Saan ako paroroon na mula sa iyong Espiritu? O saan ako tatakas na mula sa iyong harapan? Kung sumampa ako sa langit, ikaw ay nandoon: kung gawin ko ang aking higaan sa Sheol, narito, ikaw ay nandoon."
"At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking simbahan; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magwawagi laban sa kaniya."
"At kung ang kanan mong mata ay nakapagpapatitis sa iyo, ay dukutin mo, at iyong itapon: sapagkat may kapakinabangan sa iyo na mapahamak ang isa sa mga sangkap ng iyong katawan, at huwag ang buong katawan mo ay maitapon sa impiyerno."
"At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan, datapuwat hindi nangakakapatay sa kaluluwa: kundi lalo ang katakutan ninyo ang makasisira sa kaluluwa at sa katawan sa impiyerno."