16 Galit Mga Talata sa Bibliya
Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Galit. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.
"Huwag kayong manghiganti, mga minamahal, kundi bigyan ninyo ng daan ang poot ng Diyos: sapagka't nasusulat, Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti, sabi ng Panginoon."
"Sa kapalaluan ay nanggagaling lamang ang pagtatalo: nguni't ang karunungan ay nasa mga nagpapayo."
"Mag-ingat kayo, mga kapatid, baka magkaroon sa kanino man sa inyo ng isang masamang puso ng kawalan ng pananampalataya, sa paglayo sa buhay na Diyos."
"“Manumbalik ka, Oh suwail na Israel, sabi ng Panginoon; hindi ko ititingin ang aking mukha sa inyo na may poot: sapagka't ako'y maawain, sabi ng Panginoon, hindi ako magtatanim ng galit magpakailan man.”"
"At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid baga'y pakikiapid, karumihan, kalibugan, pagsamba sa diosdiosan, enkanto, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga pananaghili, mga pagkagalit, mga pagkakampikampi, mga pagbabahabahagi, mga hidwang pananampalataya, mga pagkainggit, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito: na ipinagpapauna ko sa inyo, gaya ng aking ipinagpauna na sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayon ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Diyos."
"At sinabi niya, Ang lumalabas sa tao, yaon ang nakahahawa sa tao. Sapagka't mula sa loob, sa puso ng mga tao, lumalabas ang masasamang isipan, pakikiapid, pagnanakaw, pagpatay, pangangalunya, mga kasakiman, kasamaan, pagdaraya, kalibugan, masamang mata, pamumusong, pagmamataas, kamangmangan: Ang lahat ng masasamang bagay na ito ay sa loob lumalabas, at nakahahawa sa tao."
"Ang galit ng mangmang ay napakikilala pagdaka: nguni't ang matalino ay nagtatakip ng kahihiyan."
"Kaluwalhatian sa tao ang humiwalay sa pagtatalo: nguni't bawa't mangmang ay magagalitin."
"Ang malumanay na sagot ay nakapapawi ng poot: nguni't ang mabigat na salita ay humihila ng galit."
"Nalalaman ninyo ito, minamahal kong mga kapatid. Nguni't maging matulin ang bawa't tao sa pakikinig, mabagal sa pagsasalita, mabagal sa galit."
"Ang makupad sa galit ay may malaking unawa: nguni't ang madaling magalit ay nagpapakilala ng kamangmangan."
"Ang mangmang ay naglalabas ng buong galit niya: nguni't ang pantas ay nagpipigil na nagpapakalma sa huli."
"Ang pag-ibig ay mapagpahinuhod, at magandang-loob; ang pag-ibig ay hindi nananaghili; ang pag-ibig ay hindi nagmamapuri, hindi mapagpalalo, hindi hindi naggagawi ng masama, hindi naghahanap ng kaniyang sarili, hindi nayayamot, hindi nag-iisip ng masama."
"Huwag mong kapootan ang iyong kapatid sa iyong puso: saawatín mong tapat ang iyong kapuwa, upang huwag kang magtaglay ng kasalanan dahil sa kaniya. Huwag kang maghihiganti, ni magtataglay ng sama ng loob laban sa mga anak ng iyong bayan, kundi iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili: ako ang Panginoon."
"Ang pagkapoot ay nagpapasiklab ng mga kaalitan: nguni't ang pag-ibig ay nagtatakip ng lahat ng mga pagsalangsang."
"Kayo'y mangagalit at huwag kayong mangagkasala: huwag lumubog ang araw sa inyong galit: Ni bigyan man ng dako ang diyablo."