Scripture Library

15 Dugo Mga Talata sa Bibliya

Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Dugo. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.

"Na siyang nagligtas sa atin sa kapangyarihan ng kadiliman, at naglipat sa atin sa kaharian ng Anak ng kaniyang pag-ibig; Na siyang kinaroroonan ng ating katubusan, na kapatawaran ng ating mga kasalanan:"

Colosas 1:13 Ang Biblia

"Bawat gumagalaw na bagay na may buhay ay magiging pagkain ninyo; gaya ng mga luntiang halaman ay ibinibigay ko sa inyo ang lahat ng bagay. Ngunit huwag ninyong kakainin ang laman na may buhay pa, na siyang dugo nito."

Genesis 9:3 Ang Biblia

"At ayon sa kautusan, halos lahat ng mga bagay ay nililinis ng dugo, at kung walang pagbubuhos ng dugo ay walang kapatawaran."

Mga Hebreo 9:22 Ang Biblia

"At siya'y humawak ng isang saro, at nagpasalamat, at ibinigay sa kanila, na sinasabi, “Magsiinom kayong lahat dito; sapagkat ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami sa ikapapatawad ng mga kasalanan.”"

Mateo 26:27 Ang Biblia

"“Mumarito kayo ngayon, at tayo'y magpaliwanagan,” sabi ng Panginoon. “Bagaman ang inyong mga kasalanan ay kulay-pula, ang mga ito ay magiging mapuputi na parang niebe; bagaman ang mga ito ay mapulang-mapula, ang mga ito ay magiging parang balahibo ng tupa.”"

Isaias 1:18 Ang Biblia

"Gayon din naman ang saro, pagkatapos na makahapon, na sinasabi, “Ang sarong ito ay ang bagong tipan sa aking dugo, na nabubuhos dahil sa inyo.”"

Lucas 22:20 Ang Biblia

"Ngunit kung tayo'm nagsisilakad sa liwanag, gaya niya na nasa liwanag, ay may pakikisama tayo sa isa't isa, at nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan."

1 Juan 1:7 Ang Biblia

"Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananatili sa akin, at ako sa kanya."

Juan 6:56 Ang Biblia

"Ngunit ngayon kay Cristo Jesus, kayo na noong una ay nasa malayo ay inilapit sa pamamagitan ng dugo ni Cristo."

Mga Taga-Efeso 2:13 Ang Biblia

"Gaano pa kaya ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu ay inihandog ang kanyang sarili na walang dungis sa Diyos, ay maglilinis ng inyong budhi mula sa mga patay na gawa upang paglingkuran ang Diyos na buhay!"

Mga Hebreo 9:14 Ang Biblia

"Sa kanya'y mayroon tayong katubusan sa pamamagitan ng kanyang dugo, na kapatawaran ng ating mga kasalanan, ayon sa kayamanan ng kanyang biyaya."

Mga Taga-Efeso 1:7 Ang Biblia

"Sapagkat nalalaman ninyo na kayo'y tinubos hindi ng mga bagay na nasisira, gaya ng pilak o ginto, mula sa inyong walang kabuluhang paraan ng pamumuhay na ipinamana sa inyo ng inyong mga magulang, kundi ng mahalagang dugo ni Cristo, gaya ng sa kordero na walang kapintasan at walang dungis."

1 Pedro 1:18 Ang Biblia

"Sapagkat iniligtas niya tayo mula sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat tayo sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak, na sa kanya'y mayroon tayong katubusan, na siyang kapatawaran ng mga kasalanan."

Mga Taga-Colosas 1:13 Ang Biblia

"Sapagkat kung inyong babaguhin ninyong totoo ang inyong mga lakad at ang inyong mga gawa; kung kayo'y maglalapat ng katarungan sa bawat tao at sa kaniyang kapwa; kung hindi ninyo mapipighati ang taga-ibang lupa, ang ulila, at ang babaing bao, at hindi kayo magbubuhos ng walang salang dugo sa dakong ito, ni magsisunod man sa ibang mga diyos sa inyong sariling kapahamakan: ay patitirahin ko nga kayo sa dakong ito, sa lupain na ibinigay ko sa inyong mga magulang mula nang una hanggang sa walang hanggan."

Jeremias 7:5 Ang Biblia

"Ngayon, ang Diyos ng kapayapaan, na muling nagbangon mula sa mga patay sa ating Panginoong Jesus, ang dakilang Pastol ng mga tupa, sa pamamagitan ng dugo ng walang hanggang tipan, ay magsakdal nawa sa inyo sa bawat mabuting gawa upang gawin ang kanyang kalooban, habang ginagawa sa atin ang kalugod-lugod sa kanyang paningin, sa pamamagitan ni Jesu-Cristo; sa kanya ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen."

Mga Hebreo 13:20 Ang Biblia