Scripture Library

21 Diyablo Mga Talata sa Bibliya

Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Diyablo. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.

"At si Jesus, na puspos ng Espiritu Santo, ay bumalik mula sa Jordan, at hinatid ng Espiritu sa ilang Loob ng apat na pung araw, na tinutukso ng diyablo. At hindi siya kumain ng anoman nang mga araw na yaon: at nang maganap ang mga yaon ay nagutom siya."

Lucas 4:1 Ang Biblia

"Huwag magkait ang isa't isa, maliban kung pagkasunduan sa ilang panahon, upang kayo'y makatalaga sa pananalangin, at muling magkasama, baka kayo'y tuksuhin ni Satanas dahil sa inyong kawalan ng pagpipigil sa sarili."

1 Corinto 7:5 Ang Biblia

"Datapuwat sinabi ni Pedro, Ananias, bakit pinuno ni Satanas ang iyong puso upang magsinungaling sa Espiritu Santo, at magtago ng bahagi ng halaga ng lupa? Habang nananatili aling hindi sa iyo? at nang maipagbili na, aling hindi nasa iyong kapangyarihan? Bakit mo pinag-isipan ang bagay na ito sa iyong puso? hindi ka nagsinungaling sa mga tao, kundi sa Diyos."

Mga Gawa 5:3 Ang Biblia

"Hindi ko idinadalangin na alisin mo sila sa sanlibutan, kundi ingatan mo sila laban sa masama."

Juan 17:15 Ang Biblia

"Ikaw ay sumasampalataya na ang Diyos ay iisa; mabuti ang iyong ginagawa: ang mga diyablo man ay sumasampalataya din, at nanginginig."

Santiago 2:19 Ang Biblia

"Na siyang nagligtas sa atin sa kapangyarihan ng kadiliman, at naglipat sa atin sa kaharian ng Anak ng kaniyang pag-ibig; Na siyang kinaroroonan ng ating katubusan, na kapatawaran ng ating mga kasalanan:"

Colosas 1:13 Ang Biblia

"Itatag mo ang aking mga hakbang sa iyong salita; at huwag mong itulot na anomang kasamaan ay magkaroon ng kapangyarihan sa akin."

Mga Salmo 119:133 Ang Biblia

"Dahil dito, kunin ninyo ang buong kagayakan ng Diyos, upang kayo'y mangakatagal sa araw na masama, at kung magawa ninyo ang lahat, ay magsitibay."

Efeso 6:13 Ang Biblia

"At dudurugin nawa ng Diyos ng kapayapaan si Satanas sa madaling panahon sa ilalim ng inyong mga paa. Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawa."

Roma 16:20 Ang Biblia

"Ang gumagawa ng kasalanan ay sa diyablo; sapagkat ang diyablo ay nagkakasala buhat pa sa pasimula. Sa bagay na ito ay nahayag ang Anak ng Diyos, upang iwasak ang mga gawa ng diyablo."

1 Juan 3:8 Ang Biblia

"Sapagkat ang ating pakikipagbaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga espirituwal na kabagsikan sa mga dakong kaitaasan."

Efeso 6:12 Ang Biblia

"Isuot ninyo ang buong kagayakan ng Diyos, upang kayo'y makatagal laban sa mga lilo ng diyablo."

Efeso 6:11 Ang Biblia

"Ngunit tapat ang Panginoon, na magpapatibay sa inyo, at mag-iingat sa inyo laban sa masama."

2 Tesalonica 3:3 Ang Biblia

"Kayo's maging mapagpigil, kayo'y magpuyat; ang inyong kalaban na diyablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya."

1 Pedro 5:8 Ang Biblia

"Kayo'y sa inyong amang diyablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa sa pasimula, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagkat walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagkat siya'y isang sinungaling, at ama nito."

Juan 8:44 Ang Biblia

"Sapagkat iniligtas niya tayo mula sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat tayo sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak, na sa kanya'y mayroon tayong katubusan, na siyang kapatawaran ng mga kasalanan."

Mga Taga-Colosas 1:13 Ang Biblia

"Kayo'y mangagalit at huwag kayong mangagkasala: huwag lumubog ang araw sa inyong galit: Ni bigyan man ng dako ang diyablo."

Efeso 4:26 Ang Biblia

"At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Narito, ang lahat niyang tinatangkilik ay nasa iyong kapangyarihan; huwag mo lamang pagbuhatan ang kaniyang katawan. Sa gayo'y lumabas si Satanas na mula sa harapan ng Panginoon."

Job 1:12 Ang Biblia

"At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama."

Mateo 6:13 Ang Biblia

"Pasakop nga kayo sa Diyos; datapuwat magsitanggi kayo sa diyablo, at tatakas siya sa inyo."

Santiago 4:7 Ang Biblia

"Hindi dumating sa inyo ang anomang tukso kundi ang karaniwan sa tao: ngunit tapat ang Diyos, na hindi niya itutulot na kayo'y tuksuhin ng higit sa inyong makakaya; kundi kalakip din ng tukso ay gagawin naman ang paraan ng pag-ilag, upang ito'y inyong matiis."

1 Corinto 10:13 Ang Biblia