14 Damit Mga Talata sa Bibliya
Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Damit. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.
"Mangagingat kayo sa mga huwad na propeta, na lumalapit sa inyo na may damit-tupa, datapwat sa loob ay mga lobong maninila."
"Si Juan nga ay may damit na balahibo ng kamelyo, at may isang sinturong balat sa palibot ng kaniyang baywang; at ang kaniyang pagkain ay mga balang at pulot-pukyutan."
"At nangadilat ang mga mata nilang dalawa, at kanilang nalaman na sila'y mga hubad; at sila'y nagnahi ng mga dahon ng puno ng igos, at gumawa ng mga panakip sa sarili."
"Sapagkat wala tayong dinalang anuman sa sanlibutan, at wala rin naman tayong mailalabas na anuman; ngunit kung tayo'y may pagkain at pananamit ay maging kontento na tayo roon."
"At sumagot siya at sinabi sa kanila, “Ang may dalawang baro ay magbahagi sa walang-wala; at ang may pagkain ay gumawa rin ng gayon.”"
"Ako'y magagalak na lubos sa Panginoon, ang aking kaluluwa ay magagalak sa aking Diyos; sapagkat dinamtan niya ako ng mga damit ng kaligtasan, tinakpan niya ako ng joga ng katuwiran, gaya ng lalaking ikakasal na naggagayak ng kaniyang ulo ng putong, at gaya ng babaeng ikakasal na naggagayak ng kaniyang mga hiyas."
"Kaya nga, bilang mga hinirang ng Diyos, mga banal at minamahal, magbihis kayo ng isang pusong mapaghabag, ng kagandahang-loob, ng kababaan ng pag-iisip, ng kaamuan, at ng pagtitiis."
"At ang Panginoong Diyos ay gumawa para kay Adam at sa kaniyang asawa ng mga damit na balat, at sila'y dinamtan."
"Huwag kayong magbalisa sa inyong buhay, kung ano ang inyong kakanin; o sa inyong katawan, kung ano ang inyong daramtin. Sapagkat ang buhay ay higit kaysa pagkain, at ang katawan kaysa damit."
"Kaya nga sinasabi ko sa inyo: Huwag kayong magbalisa tungkol sa inyong buhay, kung ano ang inyong kakanin, o kung ano ang inyong iinumin; kahit tungkol sa inyong katawan, kung ano ang inyong daramtin. Hindi ba ang buhay ay higit kaysa pagkain, at ang katawan kaysa damit?"
"Gayon din naman, na ang mga babae ay magsigayak ng kagalang-galang na kasuotan, na may katimtiman at pagpipigil; hindi ng piniting na buhok, o ginto, o perlas, o mamahaling damit; kundi ng mabubuting gawa, na siyang nararapat sa mga babae na nagpapahayag ng paggalang sa Diyos."
"Ang inyong kagandahan ay huwag maging sa labas lamang, tulad ng pagpiting ng buhok, at pagsusuot ng mga gintong hiyas, o pagbibihis ng magagandang damit. Kundi ang tago na pagkatao ng puso, na may kaakit-akit na walang kasiraan ng espiritung maamo at tahimik, na may malaking halaga sa paningin ng Diyos."
"Sapagkat kayong lahat ay mga anak ng Diyos, sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. Sapagkat ang lahat na binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si Cristo."
"Ang magtagumpay ay daramtan ng gayon ng mga puting damit; at hindi ko kailanman papawiin ang kaniyang pangalan sa aklat ng buhay, at ipahahayag ko ang kaniyang pangalan sa harapan ng aking Ama, at sa harapan ng kaniyang mga anghel."