52 Buhay Mga Talata sa Bibliya
Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Buhay. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.
"Sapagkat ang mga ayon sa laman ay nagtutuon ng kaisipan sa mga bagay ng laman; datapuwat ang mga ayon sa Espiritu ay sa mga bagay ng Espiritu."
"Narito, ang Diyos ay aking katulong: ang Panginoon ay kasama ng mga umaalalay sa aking kaluluwa."
"Sa kaarawan ng kaginhawahan ay magalak ka, at sa kaarawan ng kahirapan ay gunitain mo: ginawa ng Diyos ang isa na katabi ng iba, upang ang tao ay huwag makasumpong ng anomang bagay na mangyayari pagkamatay niya."
"Kaya't huwag ninyong ikabalisa ang sa araw ng bukas: sapagkat ang araw ng bukas ay bahala sa kaniyang sarili. Sapat na sa araw ang kaniyang sariling kabalisaan."
"Sapagkat ang sinomang mag-ibig iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito: at ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin ay makakasumpong nito."
"Sapagkat nalalaman natin na kung ang ating bahay na tabernakulo sa lupa ay masira, ay mayroon tayong isang gusaling mula sa Diyos, isang bahay na hindi gawa ng mga kamay, walang hanggan sa langit."
"Sapagkat ako'y nagigipit sa magkabila, na may nasang umalis at makasama ni Cristo; sapagkat ito'y lalong mabuti: Gayon ma'y ang manatili sa laman ay lalong kailangan dahil sa inyo."
"Sapagkat kung paanong kay Adam ang lahat ay nangamamamatay, gayon din naman kay Cristo ang lahat ay bubuhayin."
"Sapagkat kung tayo'y nangabubuhay, sa Panginoon tayo'y nangabubuhay; o kung tayo'y nangamamatay, sa Panginoon tayo'y nangamamatay: kaya't sa mabuhay tayo, o sa mamatay tayo, tayo'y sa Panginoon."
"Sapagkat sa ganang akin ang mabuhay ay si Cristo, at ang mamatay ay pakinabang."
"Ako ang mabuting pastol: ibinibigay ng mabuting pastol ang kaniyang buhay dahil sa mga tupa."
"Ako'm napako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin: at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Diyos, na sa akin ay umibig, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa akin."
"At sinabi ng Panginoong Diyos, Narito, ang tao'y naging parang isa sa atin, na nakakakilala ng mabuti at ng masama; at baka ngayon ay iunat ang kaniyang kamay at pumitas din sa punongkahoy ng buhay, at kumain, at mabuhay magpakailan man: Kaya't pinalayas siya ng Panginoong Diyos sa halamanan ng Eden, upang kaniyang sakahin ang lupang pinagkunan sa kaniya."
"Ngunit sa ganang atin ay may isang Diyos lamang, ang Ama, na sa kaniya nagmula ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesu-Cristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya."
"Alalahanin mo rin naman ang May-lalang sa iyo sa mga araw ng iyong kabataan, bago dumating ang mga masasamang araw, at ang mga taon ay lumapit, pagka iyong sasabihin, Wala akong kaligayahan sa mga yaon;"
"Sapagkat sa kaniya tayo'y nangabubuhay, at kumikilos, at mayroon tayong pagka-ano; gaya naman ng sinabi ng ilan sa inyong sariling mga makata, Sapagkat tayo naman ay kaniyang lahi."
"Sa kaniyang sariling kalooban ay ipinanganak niya tayo sa pamamagitan ng salita ng katotohanan, upang tayo'y maging isang uri ng mga unang bunga ng kaniyang mga nilalang."
"Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alinman sa lahat ng ginawa ay hindi nagawa kung wala siya."
"At sinabi ng Diyos, Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis: at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawat umuusad na hayop na gumagalaw sa ibabaw ng lupa."
"Ito ang araw na ginawa ng Panginoon; tayo'm mangatuwa at mangagalak dito."
"Ginawa niya ang bawat bagay na maganda sa kapanahunan niya: inilagay rin niya ang sangkatauhan sa kanilang puso, gayon ma'y hindi matatalos ng tao ang gawa na ginawa ng Diyos mula sa pasimula hanggang sa wakas."
"May kasiyahan ba ako sa kamatayan ng masama? sabi ng Panginoong Diyos; at hindi baga na siya'y humiwalay sa kaniyang lakad, at mabuhay?"
"Ating usisaing mabuti ang ating mga lakad at ating subukin, at tayo'y magsipagbalik sa Panginoon."
"Huwag kayong mangagbulaan sa isa't isa; yamang hinubad na ninyo ang lumang tao pati ng kaniyang mga gawa, at kayo'y nangagbihis ng bagong tao, na napaninibago sa kaalaman ayon sa larawan ng lumalang sa kaniya."
"Iwan ng masama ang kaniyang lakad, at ng liko ang kaniyang mga pag-iisip; at magbalik-loob siya sa Panginoon, at kaawaan niya siya; at sa ating Diyos, sapagkat siya'y magpapatawad ng sagana."
"Ang lahat ng aking iniibig, ay aking sinasaway at pinarurusahan: ikaw nga'y magsikap, at magsisi."
"Kayo nga'y mangagbunga ng karapat-dapat sa pagsisisi."
"Marunong akong magtiis sa kakulangan, at marunong naman akong sumagana; sa bawat bagay at sa lahat ng bagay ay natutuhan ko ang lihim kung paano mabusog at kung paano magutom, kung paano sumagana at kung paano magtiis ng kakulangan."
"Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos at mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagtutuwid, sa pagtuturo na nasa katuwiran: upang ang tao ng Diyos ay maging sakdal, na handang-handa sa lahat ng mga gawang mabuti."
"Sapagkat noong nakaraan kayo ay kadiliman, ngunit ngayon kayo ay kaliwanagan sa Panginoon. Lumakad kayo gaya ng mga anak ng kaliwanagan."