19 Biyaya Mga Talata sa Bibliya
Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Biyaya. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.
"At dudurugin nawa ng Diyos ng kapayapaan si Satanas sa madaling panahon sa ilalim ng inyong mga paa. Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawa."
"Mula sa mga kalaliman ay dumaing ako sa iyo, Oh Panginoon. Panginoon, pakinggan mo ang aking tinig: pakinggan ng iyong mga tainga ang tinig ng aking mga pagsusumamo."
"Datapuwat ang maniningil ng buwis, na nakatayo sa kalayuan, ay ayaw man lamang itingin ang kaniyang mga mata sa langit, kundi dindagukan ang kaniyang dibdib, na sinasabi, Diyos, ikaw ay mahabag sa akin, na isang makasalanan."
"At nakita ng Diyos ang kanilang mga gawa, na sila'y humiwalay sa kanilang masamang lakad; at nagsisi ang Diyos sa kasamaan na kaniyang sinabing kaniyang gagawin sa kanila; at hindi niya ginawa."
"At pukawin ninyo ang inyong puso, at hindi ang inyong mga kasuotan, at kayo'y magsipagbalik sa Panginoon ninyong Diyos; sapgkat siya'y mapagbiyaya at maawain, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob, at nagsisisi sa kasamaan."
"Sapagkat ang Panginoon ninyong Diyos ay mapagbiyaya at maawain, at hindi itatalikod ang kaniyang mukha sa inyo, kung kayo'y magsipagbalik sa kaniya."
"Sapagkat ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos; palibhasa'y inaring-ganap nang walang bayad ng kaniyang biyaya sa pamamagitan ng pagtubos na nasa kay Cristo Jesus."
"Ngunit ikaw, Oh Panginoon, ay Diyos na puspos ng kahabagan at mapagbiyaya, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob at katotohanan."
"At kaya maghihintay ang Panginoon, upang siya'y maging mapagbiyaya sa inyo, at kaya siya'y matataas, upang siya'y maging mapaghabag sa inyo: sapagkat ang Panginoon ay Diyos ng kahatulan; mapapalad ang lahat na naghihintay sa kaniya."
"Siya ang nagligtas sa atin at tumawag sa atin sa isang banal na pamumuhay—hindi dahil sa ating mga gawa, kundi ayon sa kaniyang sariling layunin at biyaya. Ang biyayang ito ay ibinigay sa atin kay Cristo Jesus bago pa nagsimula ang panahon."
"Ano ang tao upang iyong alalahanin siya, at ang anak ng tao upang iyong dalawin siya?"
"Ang biyaya ng Panginoong Jesus ay sumaiyong lahat nawa. Amen."
"Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo."
"Ang biyaya ng Panginoong Jesu-Cristo, ang pag-ibig ng Diyos, at ang pakikisama ng Espiritu Santo ay sumainyong lahat nawa."
"Ang biyaya ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay sumainyong espiritu nawa. Amen."
"Ang biyaya ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay sumainyong espiritu nawa."
"Pagpalain ka nawa ng Panginoon at ingatan ka; pakinggisin nawa ng Panginoon ang kanyang mukha sa iyo at maging mahabagin sa iyo; iharap nawa ng Panginoon ang kanyang mukha sa iyo at bigyan ka ng kapayapaan."
"“Manumbalik ka, Oh suwail na Israel, sabi ng Panginoon; hindi ko ititingin ang aking mukha sa inyo na may poot: sapagka't ako'y maawain, sabi ng Panginoon, hindi ako magtatanim ng galit magpakailan man.”"
"Sapagkat napakita ang biyaya ng Diyos na nagdadala ng kaligtasan sa lahat ng tao, na nagtuturo sa atin na pagkatapos nating itakuwil ang kalapastangan sa Diyos at ang mga pagnanasa ng sanlibutan, ay magbuhay tayong may pagpipigil, matuwid, at banal sa kasalukuyang panahong ito."