Scripture Library

89 Pagpapala Mga Talata sa Bibliya

Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Pagpapala. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.

"Mapalad ang bansa na ang Diyos ay ang Panginoon, ang bayan na kanyang pinili para sa kanyang sariling pamana."

Mga Awit 33:12 Ang Biblia

"Mapalad ang mga nagdadalamhati, sapagkat sila ay aaliwin."

Mateo 5:4 Ang Biblia

"Ang mga pagpapala ay nasa ulo ng matuwid, ngunit ang karahasan ay nagtatakip sa bibig ng masama."

Mga Kawikaan 10:6 Ang Biblia

"At tuparin mo ang tungkulin sa Panginoon mong Diyos, na lumakad sa kanyang mga daan, upang ingatan ang kanyang mga palatuntunan, ang kanyang mga utos, ang kanyang mga kahatulan, at ang kanyang mga patotoo, ayon sa nakasulat sa kautusan ni Moises, upang ikaw ay magtagumpay sa lahat ng iyong ginagawa, at sa bawat dako na iyong paroroonan."

1 Mga Hari 2:3 Ang Biblia

"Ang biyaya ng Panginoong Jesus ay sumaiyong lahat nawa. Amen."

Pahayag 22:21 Ang Biblia

"Ang pagliligtas ay sa Panginoon; ang iyong pagpapala ay sumainyong bayan nawa."

Mga Awit 3:8 Ang Biblia

"Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na siyang nagpala sa atin kay Cristo ng bawat pagpapalang espirituwal sa mga dako ng kalangitan."

Mga Taga-Efeso 1:3 Ang Biblia

"Sapagkat ikaw, Panginoon, ay magpapala sa matuwid; lilingapin mo siya ng iyong biyaya na gaya ng isang kalasag."

Mga Awit 5:12 Ang Biblia

"Sinabi sa kanya ni Jesus, “Sapagkat nakita mo ako ay sumampalataya ka; mapalad ang mga hindi nakakita, at gayunma'y sumampalataya.”"

Juan 20:29 Ang Biblia

"Pupurihin ko ang Panginoon sa lahat ng panahon; ang pagpupuri sa kanya ay laging nasa aking bibig."

Mga Awit 34:1 Ang Biblia

"Ang aklat na ito ng kautusan ay huwag aalis sa iyong bibig, kundi pagbubulay-bulayin mo ito araw at gabi, upang iyong maingat na magawa ang ayon sa lahat ng nakasulat dito. Sapagkat kung magkagayon ay pagiging masagana ang iyong lakad, at magtatagumpay ka."

Josue 1:8 Ang Biblia

"Sapagkat ang Panginoon ay nagagalak sa kanyang bayan; pinalalamutian niya ang maaamo ng kaligtasan."

Mga Awit 149:4 Ang Biblia

"Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo."

Mga Taga-Roma 1:7 Ang Biblia

"Magbibigay ang Panginoon ng kalakasan sa kanyang bayan; pagpapalain ng Panginoon ang kanyang bayan ng kapayapaan."

Mga Awit 29:11 Ang Biblia

"Ang nakakasumpong ng asawang babae ay nakakasumpong ng mabuting bagay, at nagtatamo ng biyaya mula sa Panginoon."

Mga Kawikaan 18:22 Ang Biblia

"Ngayon, ang Diyos ng kapayapaan, na muling nagbangon mula sa mga patay sa ating Panginoong Jesus, ang dakilang Pastol ng mga tupa, sa pamamagitan ng dugo ng walang hanggang tipan, ay magsakdal nawa sa inyo sa bawat mabuting gawa upang gawin ang kanyang kalooban, habang ginagawa sa atin ang kalugod-lugod sa kanyang paningin, sa pamamagitan ni Jesu-Cristo; sa kanya ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen."

Mga Hebreo 13:20 Ang Biblia

"Mapalad ang mga may busilak na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos."

Mateo 5:8 Ang Biblia

"Payayamanin kayo sa lahat ng paraan upang kayo'y maging bukas-palad sa bawat pagkakataon, at sa pamamagitan namin, ang inyong kabutihang-loob ay magbubunga ng pasasalamat sa Diyos."

2 Corinto 9:11 Ang Biblia

"Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama, ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan, ni nauupo man sa upuan ng mga mapang-uyam."

Mga Awit 1:1 Ang Biblia

"Sapagkat pagpapalain ka ng Panginoon mong Diyos, na gaya ng ipinangako niya sa iyo: at ikaw ay magpapahiram sa maraming bansa, ngunit hindi ka hihiram; at ikaw ay magpupuno sa maraming bansa, ngunit hindi sila magpupuno sa iyo."

Deuteronomio 15:6 Ang Biblia

"Ang biyaya ng Panginoong Jesu-Cristo, ang pag-ibig ng Diyos, at ang pakikisama ng Espiritu Santo ay sumainyong lahat nawa."

2 Corinto 13:14 Ang Biblia

"Ang mabuting tao ay naglalabas ng mabuti mula sa mabuting kayamanan ng kanyang puso, at ang masamang tao ay naglalabas ng masama mula sa masamang kayamanan ng kanyang puso. Sapagkat kung ano ang nag-uumapaw sa puso ay siyang sinasabi ng bibig."

Lucas 6:45 Ang Biblia

"Ang Panginoong Diyos ang aking kalakasan; ginagawa niya ang aking mga paa na gaya ng sa mga usa, at pinatatahak niya ako sa aking matataas na dako."

Habacuc 3:19 Ang Biblia

"Mapapalad ang mga mapagpayapa, sapagkat sila ay tatawaging mga anak ng Diyos."

Mateo 5:9 Ang Biblia

"“Dalhin ninyo ang buong ikasampung bahagi sa kamalig, upang magkaroon ng pagkain sa aking bahay. Subukin ninyo ako sa bagay na ito,” sabi ng Panginoon ng mga hukbo, “at tingnan ninyo kung hindi ko bubuksan ang mga bintana ng langit at ibubuhos sa inyo ang isang pagpapala na walang sapat na kalalagyan.”"

Malakias 3:10 Ang Biblia

"Sumagot ang kanyang panginoon, ‘Magaling, mabuti at tapat na alipin! Naging tapat ka sa kaunting bagay, kaya pamamahalain kita sa maraming bagay. Pumasok ka at makigalak sa kagalakan ng iyong panginoon!’"

Mateo 25:21 Ang Biblia

"Kahahagan, kapayapaan, at pag-ibig ang maparami sa inyo."

Judas 1:2 Ang Biblia

"Mapalad ang mga nag-iingat ng kanyang mga patotoo, na hinahanap siya ng buong puso."

Mga Awit 119:2 Ang Biblia

"Kung iyong susunding masikap ang tinig ng Panginoon mong Diyos, upang isagawa ang lahat ng kanyang mga utos na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, ay itataas ka ng Panginoon mong Diyos sa itaas ng lahat ng mga bansa sa lupa."

Deuteronomio 28:1 Ang Biblia

"Ang biyaya ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay sumainyong espiritu nawa. Amen."

Mga Taga-Filipos 4:23 Ang Biblia