Scripture Library

37 Paglikha Mga Talata sa Bibliya

Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Paglikha. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.

"At sila'y binasbasan ng Diyos, at sa kanila's sinabi ng Diyos, Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami, at kalatan ninyo ang lupa, at inyong supilin; at magkaroon kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa bawat hayop na gumagalaw sa ibabaw ng lupa."

Genesis 1:28 Ang Biblia

"At binasbasan ng Diyos ang ikapitong araw, at kaniyang ipinangilin: sapagkat siyang ipinagpahinga ng Diyos sa lahat ng kaniyang gawa na nilikha at ginawa ng Diyos."

Genesis 2:3 Ang Biblia

"At nilalang ng Diyos ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Diyos siya nilalang; lalaki at babae sila'y nilalang niya."

Genesis 1:27 Ang Biblia

"Sapagkat tayo ay kanyang gawa, na nilikha kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na inihanda ng Diyos nang una pa upang ating lakaran."

Mga Taga-Efeso 2:10 Ang Biblia

"Sapagkat ikaw ang lumikha ng aking mga panloob na bahagi; tinahi mo ako sa sinapupunan ng aking ina. Pupurihin kita sapagkat ako'y kamangha-mangha at kahanga-hangang nilikha; ang iyong mga gawa ay kahanga-hanga, at iyan ay lubos kong nalalaman."

Mga Awit 139:13 Ang Biblia

"Sapagkat ang kaniyang mga bagay na hindi nakikita mula nang lalangin ang sanlibutan ay hayag na nakikita, sa pagkaalam sa pamamagitan ng mga bagay na ginawa, maging ang kaniyang walang hanggang kapangyarihan at pagka-Diyos; upang sila'y walang maidahilan:"

Roma 1:20 Ang Biblia

"Ah Panginoong Diyos! narito, iyong ginawa ang langit at ang lupa sa pamamagitan ng iyong dakilang kapangyarihan at sa pamamagitan ng iyong bisig na unat; walang bagay na lalong mahirap sa iyo:"

Jeremias 32:17 Ang Biblia