Scripture Library

40 Mga Pagnanasa Mga Talata sa Bibliya

Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Mga Pagnanasa. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.

"Patayin nga ninyo ang inyong mga sangkap ng katawan na nangasasa ibabaw ng lupa: pakikiapid, karumihan, masamang pita, masasamang nasa, at kasakiman, na siyang pagsamba sa mga diyos-diyosan."

Colosas 3:5 Ang Biblia

"Sapagkat ito ang kalooban ng Diyos, sa makatuwid baga'y ang inyong pagpapakabanal, na kayo'y magsiilag sa pakikiapid; Na ang bawat isa sa inyo ay makaalam na mag-ingat ng kaniyang sariling sisidlan sa pagpapakabanal at kapurihan, Hindi sa pagnanasa ng kahalayan, na gaya ng mga Gentil na hindi nangakakakilala sa Diyos;"

1 Tesalonica 4:3 Ang Biblia

"Kundi isakbat ninyo ang Panginoong Jesu-Cristo, at huwag ninyong paglaanan ang laman, upang sapatan ang mga kagalakan nito."

Mga Taga-Roma 13:14 Ang Biblia

"At kung ang kanan mong mata ay nakapagpapatitis sa iyo, ay dukutin mo, at iyong itapon: sapagkat may kapakinabangan sa iyo na mapahamak ang isa sa mga sangkap ng iyong katawan, at huwag ang buong katawan mo ay maitapon sa impiyerno."

Mateo 5:29 Ang Biblia

"Kundi itatwa ninyo ang Panginoong Jesucristo, at huwag ninyong paglaanan ang laman, upang masunod ang mga kahalayan nito."

Roma 13:14 Ang Biblia

"At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama."

Mateo 6:13 Ang Biblia

"Sapagkat ang lahat na nangasa sanlibutan, ang masamang pita ng laman, at ang masamang pita ng mga mata, at ang kapalaluan sa buhay, ay hindi mula sa Ama, kundi sa sanlibutan."

1 Juan 2:16 Ang Biblia

"Hindi dumating sa inyo ang anomang tukso kundi ang karaniwan sa tao: ngunit tapat ang Diyos, na hindi niya itutulot na kayo'y tuksuhin ng higit sa inyong makakaya; kundi kalakip din ng tukso ay gagawin naman ang paraan ng pag-ilag, upang ito'y inyong matiis."

1 Corinto 10:13 Ang Biblia

"Kayo'y mangagpuyat at magsipanalangin, upang huwag kayong mangapasok sa tukso: ang espiritu sa katotohanan ay may ibig, datapuwat mahina ang laman."

Mateo 26:41 Ang Biblia

"Ang lahat ng mga bagay sa akin ay matuwid; ngunit hindi ang lahat ng mga bagay ay may kapakinabangan. Ang lahat ng mga bagay sa akin ay matuwid; ngunit hindi ako papasupil sa anomang kapangyarihan."

1 Corinto 6:12 Ang Biblia