49 Katawan Mga Talata sa Bibliya
Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Katawan. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.
"Sapagkat ang pagsasanay sa katawan ay may kaunting kapakinabangan, ngunit ang kabanalan ay kapaki-pakinabang sa lahat ng mga bagay, na may pangako sa buhay sa kasalukuyan at sa darating."
"Kaya't ilayo mo ang kapanglawan sa iyong puso, at alisin mo ang kasamaan sa iyong katawan; sapagkat ang kabataan at ang kasariwaan ng buhay ay walang kabuluhan."
"Ang masayang puso ay mabuting gamot, ngunit ang nagpipighating espiritu ay nagpapatuyo ng mga buto."
"Sapagkat kung paanong sa isang katawan ay mayroon tayong maraming mga bahagi, at ang lahat ng mga bahagi ay walang magkakatulad na gawa, gayundin tayo, na marami, ay isang katawan kay Cristo, at bawat isa'y mga bahagi sa isa't isa."
"Sapagkat iyong inanyuan ang aking mga bato: iyo akong tinakpan sa bahay-bata ng aking ina. Ako'y magpapasalamat sa iyo; sapagkat kagulatgulat at kahanga-hanga ang pagkakagawa sa akin: kahanga-hanga ang iyong mga gawa; at iyan ay alam na alam ng aking kaluluwa."
"Ang aking laman at ang aking puso ay nanginginig: ngunit ang Diyos ay lakas ng aking puso at bahagi ko magpakailanman."
"At samantalang sila'y kumakain, ay kumuha si Jesus ng tinapay, at nang mapagpala, ay kanyang pinaghati-hati, at ibinigay sa mga alagad, at sinabi, “Kumuha kayo, kanin ninyo; ito ang aking katawan.”"
"Ako ang tinapay na buhay na bumabang galing sa langit. Kung ang sinuman ay kumain ng tinapay na ito, siya'y mabubuhay magpakailanman; at ang tinapay na aking ibibigay sa ikabubuhay ng mundo ay ang aking laman.”"
"At kumuha siya ng tinapay, at nang makapagpasalamat ay kanyang pinaghati-hati, at ibinigay sa kanila, na sinasabi, “Ito ang aking katawan na ibinibigay dahil sa inyo. Gawin ninyo ito sa pag-alaala sa akin.”"
"Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananatili sa akin, at ako sa kanya."
"Sapagkat sa maraming mga bagay tayong lahat ay natitisod. Kung ang sinuman ay hindi natitisod sa salita, ang isang iyon ay taong sakdal, na may kakayahan ding magpigil sa buong katawan."
"Kaya nga sinasabi ko sa inyo: Huwag kayong magbalisa tungkol sa inyong buhay, kung ano ang inyong kakanin, o kung ano ang inyong iinumin; kahit tungkol sa inyong katawan, kung ano ang inyong daramtin. Hindi ba ang buhay ay higit kaysa pagkain, at ang katawan kaysa damit?"
"Kaya't hindi kami pinapanglupaypayan; bagaman ang aming panlabas na tao ay nagwawakas, ang aming panloob na tao naman ay nababago sa araw-araw."
"Sapagkat sa isang Espiritu ay binautismuhan tayong lahat sa isang katawan, maging tayo'y mga Judio o mga Griego, maging mga alipin o mga laya; at tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu."
"Huwag kang magpakapantas sa iyong sariling mga mata; matakot ka sa Panginoon, at lumayo ka sa kasamaan. Ito'y magiging kagalingan sa iyong katawan, at pataba sa iyong mga buto."
"At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid baga'y pakikiapid, karumihan, kalibugan, pagsamba sa diosdiosan, enkanto, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga pananaghili, mga pagkagalit, mga pagkakampikampi, mga pagbabahabahagi, mga hidwang pananampalataya, mga pagkainggit, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito: na ipinagpapauna ko sa inyo, gaya ng aking ipinagpauna na sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayon ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Diyos."
"Kundi itatwa ninyo ang Panginoong Jesucristo, at huwag ninyong paglaanan ang laman, upang masunod ang mga kahalayan nito."
"Hindi ba ninyo nalalaman na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo, na tinanggap ninyo mula sa Diyos? Kayo ay hindi sa inyong sarili, sapagkat kayo'y binili sa isang halaga. Kaya't luwalhatiin ninyo ang Diyos sa inyong katawan."
"Kayo'y mangagpuyat at magsipanalangin, upang huwag kayong mangapasok sa tukso: ang espiritu sa katotohanan ay may ibig, datapuwat mahina ang laman."