93 Jesus Mga Talata sa Bibliya
Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Jesus. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.
"Kundi sa pagsasalita ng katotohanan na may pag-ibig, ay magsilaki sa lahat ng mga bagay sa kaniya, na siyang pangulo, sa makatuwid baga'y si Cristo."
"Sapagkat kung paanong ang katawan ay isa, at mayroong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ng katawan, bagaman marami, ay iisang katawan; gayon din naman si Cristo."
"At hayaang ang kapayapaan ni Cristo ang maghari sa inyong mga puso, na sa bagay na ito ay tinawag din kayo sa iisang katawan; at kayo'y maging mapagpasalamat."
"Kaya nga hindi na kayo mga dayuhan at mga taga-ibang lupa, kundi kayo'y mga kababayan na kasama ng mga banal, at kasambahay ng Diyos, na mga itinayo sa ibabaw ng patibayan ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus din ang pangulong bato sa panulok."
"Sapagkat kung paanong sa isang katawan ay mayroon tayong maraming sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ay hindi pareho ang gawain: Gayon din tayo, na marami, ay iisang katawan kay Cristo, at mga sangkap na isa't isa sa bawat isa."
"Sapagkat kung saan nagkakatipon ang dalawa o tru sa aking pangalan, ay naroon ako sa gitna nila."
"Ngunit ikaw, Betlehem Efrata, na maliit sa mga lipi ng Juda, mula sa iyo ay lalabas para sa akin ang isa na magiging pinuno sa Israel, na ang pinagmulan ay bago pa man, mula nang unang panahon."
"Sumagot ang anghel at sinabi sa kaniya, “Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan; kaya't ang banal na ipanganak ay tatawaging Anak ng Diyos.”"
"Samantalang sila'y nandoon, dumating ang oras ng kaniyang panganganak. At ipinanganak niya ang kaniyang panganay na lalaki; ito'y ibinalot niya sa mga lampin at inihiga sa isang sabsaban, sapagkat wala nang lugar para sa kanila sa bahay-tuluyan."
"Kaya't ang Panginoon mismo ang magbibigay sa inyo ng tanda: Masdan ninyo, ang isang birhen ay magdadalang-tao at manganganak ng isang lalaki, at tatawagin ang kaniyang pangalan na Emmanuel."
"Nangyari ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta: “Masdan ninyo, ang birhen ay magdadalang-tao at manganganak ng isang lalaki, at tatawagin nila ang kaniyang pangalang Emmanuel” (na ang ibig sabihin ay, Kasama natin ang Diyos)."
"Siya'y manganganak ng isang lalaki at ang ipapangalan mo sa kaniya ay Jesus, sapagkat ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan."
"Sapagkat sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalaki; at ang pamamahala ay iaatang sa kaniyang balikat. At ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamanghang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang Hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan."
"Ang Diyos ay tapat, na sa pamamagitan niya ay tinawag kayo sa pakikisama ng kaniyang Anak na si Jesu-Cristo na ating Panginoon."
"Nagpapatuloy ako tungo sa layunin para sa gantimpala ng pataas na pagtawag ng Diyos kay Cristo Jesus."
"Mga babae, pasakop kayo sa inyu-inyong sariling asawa, na gaya ng sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng babae, gaya naman ni Cristo na ulo ng simbahan, na siya rin ang Tagapagligtas ng katawan."
"Kundi isakbat ninyo ang Panginoong Jesu-Cristo, at huwag ninyong paglaanan ang laman, upang sapatan ang mga kagalakan nito."
"Sapagkat kung paanong ang katawan ay iisa, at mayroong maraming mga bahagi, at ang lahat ng mga bahagi ng katawan, bagaman marami, ay iisang katawan, gayundin naman si Cristo."
"At hayaang maghari sa inyong mga puso ang kapayapaan ni Cristo, na dun ay tinawag din naman kayo sa isang katawan; at kayo'y maging mapagpasalamat."
"Sapagkat kung paanong sa isang katawan ay mayroon tayong maraming mga bahagi, at ang lahat ng mga bahagi ay walang magkakatulad na gawa, gayundin tayo, na marami, ay isang katawan kay Cristo, at bawat isa'y mga bahagi sa isa't isa."
"At samantalang sila'y kumakain, ay kumuha si Jesus ng tinapay, at nang mapagpala, ay kanyang pinaghati-hati, at ibinigay sa mga alagad, at sinabi, “Kumuha kayo, kanin ninyo; ito ang aking katawan.”"
"Ako ang tinapay na buhay na bumabang galing sa langit. Kung ang sinuman ay kumain ng tinapay na ito, siya'y mabubuhay magpakailanman; at ang tinapay na aking ibibigay sa ikabubuhay ng mundo ay ang aking laman.”"
"At kumuha siya ng tinapay, at nang makapagpasalamat ay kanyang pinaghati-hati, at ibinigay sa kanila, na sinasabi, “Ito ang aking katawan na ibinibigay dahil sa inyo. Gawin ninyo ito sa pag-alaala sa akin.”"
"Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananatili sa akin, at ako sa kanya."
"Ngunit ngayon kay Cristo Jesus, kayo na noong una ay nasa malayo ay inilapit sa pamamagitan ng dugo ni Cristo."
"Gaano pa kaya ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu ay inihandog ang kanyang sarili na walang dungis sa Diyos, ay maglilinis ng inyong budhi mula sa mga patay na gawa upang paglingkuran ang Diyos na buhay!"
"Sapagkat nalalaman ninyo na kayo'y tinubos hindi ng mga bagay na nasisira, gaya ng pilak o ginto, mula sa inyong walang kabuluhang paraan ng pamumuhay na ipinamana sa inyo ng inyong mga magulang, kundi ng mahalagang dugo ni Cristo, gaya ng sa kordero na walang kapintasan at walang dungis."
"Sapagkat iniligtas niya tayo mula sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat tayo sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak, na sa kanya'y mayroon tayong katubusan, na siyang kapatawaran ng mga kasalanan."
"Sa inyo muna, nang mabuhay na maguli ng Diyos ang kaniyang Lingkod, ay sinugo niya siya upang kayo'y pagpalain, sa pagtalikod ng bawat isa sa inyo sa inyong mga kasamaan."
"Mapalad kayo, kung kayo'y kapootan ng mga tao, at kung kayo'y ihiwalay nila, at kayo'y alipustahin, at itakuwil ang inyong pangalan na parang masama, dahil sa Anak ng Tao."