Pananampalataya

61 Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Pagbabago at Pagpapanumbalik

"Ngunit silang naghihintay sa Panginoon ay magpababago ng kanilang lakas; sila'y lalakad na may mga pakpak na parang mga agila; sila'y tatakbo, at hindi mapapagod; sila'y lalakad, at hindi manghihina."

Isaias 40:31 ADB

"Likhain mo sa akin ang isang malinis na puso, Oh Dios; at magbago ka ng isang matuwid na espiritu sa loob ko."

Mga Awit 51:10 ADB

"Kaya't kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila'y naging bago."

2 Corinto 5:17 ADB

"Bibigyan ko rin naman kayo ng bagong puso, at lalagyan ko ang loob ninyo ng bagong espiritu; at aking aalisin ang batong puso sa inyong katawan, at aking bibigyan kayo ng pusong laman."

Ezekiel 36:26 ADB

"Kaniyang pinagbabalik ang aking kaluluwa: pinapatnubayan niya ako sa mga landas ng katuwiran alang-alang sa kaniyang pangalan."

Mga Awit 23:3 ADB

"At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi mangagbago kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at sakdal na kalooban ng Dios."

Roma 12:2 ADB

"Sapagka't ibabalik ko ang kalusugan sa iyo, at pagagalingin kita sa iyong mga sugat, sabi ng Panginoon; sapagka't tinawag ka nilang itinakwil, na sinasabi, Ito ang Sion, na walang sinomang naghahanap."

Jeremias 30:17 ADB

"Na siyang nagbibigay kasiyahan sa iyong bibig ng mga mabuting bagay; ano pa't ang iyong kabataan ay nababagong parang agila."

Mga Awit 103:5 ADB

"At ang nakaupo sa luklukan ay nagsabi, Narito, ginagawa kong bago ang lahat ng mga bagay. At sinabi niya, Isulat mo: sapagka't ang mga salitang ito ay tapat at tunay."

Apocalipsis 21:5 ADB

"Narito, ako'y gagawa ng isang bagong bagay; ngayon lilitaw; hindi baga ninyo malalaman? gagawa bago ako ng daan sa ilang, at mga ilog sa disyerto."

Isaias 43:19 ADB

"Gawa ng mga kaawaan ng Panginoon ay hindi tayo nalipol, sapagka't ang kaniyang mga habag ay hindi nagkukulang. Sila'y bago tuwing umaga; dakila ang iyong katapatan."

Mga Panaghoy 3:22-23 ADB

"At aking ibabalik sa inyo ang mga taon na kinaon ng balang, ng uod na dumarating, at ng mabilis na uod, at ng uod na gumagapang, na aking malaking hukbo na aking ipinadala sa gitna ninyo."

Joel 2:25 ADB

"Ako'y magpapasalamat sa iyo; sapagka't pagkagulatgulat at kagilagilas ang pagkagawa sa akin: kagila-gila-las ang iyong mga gawa; at ang aking kaluluwa ay nakakaalam na mabuti."

Mga Awit 139:14 ADB

"Sapagka't hindi tayo binigyan ng Dios ng espiritu ng katakutan; kundi ng kapangyarihan, at ng pagibig, at ng kahusayan ng pagiisip."

2 Timoteo 1:7 ADB

"At kayo'y nangagbihis ng bagong pagkatao, na binabago sa kaalaman ayon sa larawan niyon na lumalang sa kaniya."

Colosas 3:10 ADB

"Upang iutos sa kanila na nangingisiyak sa Sion, na bigyan sila ng putong na bulaklak sa halip na abo, ng langis ng kagalakan sa halip na pagtangis, ng balabal ng kapurihan sa halip ng kabigatan ng loob; upang sila'y matawag na mga punong kahoy ng katuwiran, na tanim ng Panginoon, upang siya'y luwalhatiin."

Isaias 61:3 ADB

"Kaya nga hindi kami nanghihina; kaya nga bagaman ang aming pagkataong labas ay naglalaho, gayon ma'y ang aming pagkataong loob ay nababago sa araw-araw."

2 Corinto 4:16 ADB

"Iyong pinalitan ang aking pananangis ng pagsasayaw; iyong hinalas ang aking kayong magaspang, at binuwisan mo ako ng kagalakan."

Mga Awit 30:11 ADB

"At aking ilalagay ang aking Espiritu sa loob ninyo, at kayo'y mangabubuhay, at aking ilalagay kayo sa inyong sariling lupain: at inyong malalaman na akong Panginoon ang nagsalita, at nagsagawa, sabi ng Panginoon."

Ezekiel 37:14 ADB

"Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao'y ipanganak na muli, ay hindi niya makikita ang kaharian ng Dios."

Juan 3:3 ADB

"Nguni't kung ang Espiritu niyaong bumuhay na muli kay Jesus sa mga patay ay nananahan sa inyo, ang bumuhay na muli kay Cristo Jesus sa mga patay ay bubuhayin naman ang inyong mga katawang may kamatayan, sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu na nananahan sa inyo."

Roma 8:11 ADB

"Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na ayon sa kaniyang malaking kaawaan ay ipinanganak tayong muli sa isang buhay na pagasa sa pamamagitan ng pagkabuhay na muli ni Jesucristo sa mga patay."

1 Pedro 1:3 ADB

"Sa gitna ng lansangan nito, at sa dako rito ng ilog at sa dako roon, ay may punong kahoy ng buhay, na nagdadala ng labingdalawang uri ng bunga, na nagbibigay ng kaniyang bunga sa bawa't buwan: at ang mga dahon ng punong kahoy ay sa pagpapagaling naman sa mga bansa."

Apocalipsis 22:2 ADB

"Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan. Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang itutuwid ang iyong mga landas."

Mga Kawikaan 3:5-6 ADB

"Mga kapatid, hindi ko inaaring naabot ko na: nguni't isang bagay ang ginagawa ko, na nililimot ang mga bagay na nasa likuran, at tinutungo ang mga bagay na hinaharap, Nagtutumulin ako sa hangganan sa ganting-pala ng mataas na pagtawag ng Dios kay Cristo Jesus."

Filipos 3:13-14 ADB

"Silang nagsisihasik na may mga luha ay magsisiani na may kagalakan. Siyang lumalabas at umiiyak, na nagdadala ng binhing isasabog, walang pagsalang babalik na may kagalakan, na dala ang kaniyang mga bigkis."

Mga Awit 126:5-6 ADB

"At sinabi ni Jesus sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na kayong nagsisunod sa akin, sa muling pagpipisan, pagka uupo na ang Anak ng tao sa luklukan ng kaniyang kaluwalhatian, kayo nama'y uupo sa labingdalawang luklukan, upang magsipandiwata sa labingdalawang lipi ng Israel."

Mateo 19:28 ADB

"At huwag tayong mangapagod sa paggawa ng mabuti: sapagka't sa kapanahunan ay magsisiani tayo, kung hindi tayo manganghimagod."

Galacia 6:9 ADB

"Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran."

Isaias 41:10 ADB

"Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan."

1 Juan 1:9 ADB

"Sapagka't aking nalalaman ang mga pag-iisip na aking iniisip sa inyo, sabi ng Panginoon, mga pag-iisip tungkol sa kapayapaan, at hindi tungkol sa kasamaan, upang bigyan kayo ng pag-asa sa inyong huling wakas."

Jeremias 29:11 ADB

"Na siyang nagligtas sa amin sa gayong malaking kamatayan, at nagliligtas: na siya naming inaasahan na siya namang magliligtas pa sa amin;"

2 Corinto 1:10 ADB

"Kaya't sa pagka't tayo'y napapalibutan ng ganitong kapal na saksi, iwan natin ang bawa't mabigat na dinadala, at ang pagkakasalang madaling kumapit sa atin, at ating takbuhin na may pagtitiis ang takbuhing inilagay sa harapan natin, Na nakatitig kay Jesus na siyang may-akda at tagatapos ng ating pananampalataya, na dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis ng krus, na ninuya ang kahiyaan, at umupo sa kanang kanan ng luklukan ng Dios."

Hebreo 12:1-2 ADB

"Na inyong iwan, tungkol sa dating paraan ng pamumuhay, ang dating tao, na napapahamak alinsunod sa mga mapandayang pita; At kayo'y mangagbago sa espiritu ng inyong pag-iisip, At kayo'y mangagbihis ng bagong tao, na ayon sa Dios ay nilalang sa katuwiran at sa kabanalan ng katotohanan."

Efeso 4:22-24 ADB

"Ang mga hakbang ng tao ay itinatag ng Panginoon; at kaniyang kinatutuwaan ang kaniyang lakad. Bagaman siya'y mabuwal, hindi siya lubos na mabubuwal: sapagka't inaalalayan siya ng Panginoon ng kaniyang kamay."

Mga Awit 37:23-24 ADB

"Pagalingin mo ako, Oh Panginoon, at ako'y gagaling; iligtas mo ako, at ako'y maliligtas: sapagka't ikaw ang aking kapurihan."

Jeremias 17:14 ADB

"Yayamang taglay natin ang mga pangakong ito, mga minamahal, ay magsilinis tayo sa lahat ng karumihan ng laman at ng espiritu, na sasalubungin ang kabanalan sa takot sa Dios."

2 Corinto 7:1 ADB

"Sapagka't ang Cordero na nasa gitna ng luklukan ay siyang magiging pastor nila, at papatnubayan sila sa mga bukal ng tubig ng buhay: at papahirin ng Dios ang bawa't luha sa kanilang mga mata."

Apocalipsis 7:17 ADB

"Sapagka't ang mga bundok ay mangalis, at ang mga burol ay mangababago; nguni't ang aking kagandahang-loob ay hindi mangingibang pook sa iyo, ni ang aking tipan ng kapayapaan ay mababago, sabi ng Panginoon na naaawa sa iyo."

Isaias 54:10 ADB

"Siya'y muling magkakaroon ng awa sa atin; kaniyang lulupigin ang ating mga kasamaan; at iyong ihahagis ang lahat nilang kasalanan sa mga kalaliman ng dagat."

Micas 7:19 ADB

"Kaniyang pinagagaling ang mga may bagbag na puso, at ginagamot ang kanilang mga sugat."

Mga Awit 147:3 ADB

"Magbaling kayo sa kuta, kayong mga bilanggo na may pag-asa: ngayon din ay inihahayag ko na aking ibabalik ang makalawa sa iyo."

Zacarias 9:12 ADB

"Kung tayo'y hindi mga tapat, siya'y nananatiling tapat; sapagka't hindi niya maitatwa ang kaniyang sarili."

2 Timoteo 2:13 ADB

"Ito ang aking kaaliwan sa aking kapighatian: sapagka't binuhay ako ng iyong salita."

Mga Awit 119:50 ADB

"Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatan, at kayo'm aking papagpapahingahin. Pasanin ninyo ang aking pamatok, at magaral kayo sa akin; sapagka't ako'y maamo at mapagpakumbabang puso: at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa. Sapagka't malambot ang aking pamatok, at magaan ang aking pasan."

Mateo 11:28-30 ADB

"Aking kinilala ang aking kasalanan sa iyo, at ang aking kaanyuan ay hindi ko ikubli. Aking sinabi, Aking ipahahayag ang aking mga pagsalangsang sa Panginoon; at iyong pinatawad ang kalikuan ng aking kasalanan. Selah."

Mga Awit 32:5 ADB

"Mangagpahayagan nga kayo sa isa't isa ng inyong mga kasalanan, at ipanalangin ninyo ang isa't isa, upang kayo'y mangagaling. Malaki ang nagagawa ng matuwid na panalangin ng taong matuwid sa kaniyang paggawang mabisa."

Santiago 5:16 ADB

"Iwan ng masama ang kaniyang lakad, at ng liko ang kaniyang mga pag-iisip: at magbalik siya sa Panginoon, at siya'y maaawa sa kaniya; at sa aming Dios, sapagka't siya'y magpapatawad ng sagana."

Isaias 55:7 ADB

"Hindi mo ba kami muling bubuhayin: upang ang iyong bayan ay magalak sa iyo?"

Mga Awit 85:6 ADB

"Sapagka't ang anak kong ito ay namatay, at muling nabuhay; siya'y nawala, at nasumpungan. At sila'y nangagpasimulang nangagkatuwa."

Lucas 15:24 ADB

"Ang kapayapaan ay iniiwan ko sa inyo, ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo: hindi gaya ng ibinibigay ng sanglibutan, ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag magulumihan ang inyong puso, ni matakot man."

Juan 14:27 ADB

"Ating hawakang matigas ang pagkakilala ng ating pagasa upang huwag mag-alinlangan; sapagka't tapat ang nangako:"

Hebreo 10:23 ADB

"Lahat ng mga bagay ay aking magagawa doon sa nagpapalakas sa akin."

Filipos 4:13 ADB

"Ang magtagumpay, ay aking pagkakaloobang umupong kasama ko sa aking luklukan, gaya ko naman na nagtagumpay, at umupong kasama ng aking Ama sa kaniyang luklukan."

Apocalipsis 3:21 ADB

"Siyang lumalabas at umiiyak, na nagdadala ng binhing isasabog, walang pagsalang babalik na may kagalakan, na dala ang kaniyang mga bigkis."

Mga Awit 126:6 ADB

"Kaya nga mangagsisi kayo, at mangagbalik-loob, upang mapawi ang inyong mga kasalanan, upang kung magkagayon ay dumating ang mga panahon ng kaginhawahan mula sa harapan ng Panginoon;"

Mga Gawa 3:19 ADB

"Nguni't tapat ang Panginoon, na siyang magpapatibay sa inyo, at mag-iingat sa inyo sa masama."

2 Tesalonica 3:3 ADB

"At ito ang pangakong kaniyang ipinangako sa atin, sa makatuwid ay ang buhay na walang hanggan."

1 Juan 2:25 ADB

"Ang Panginoon ay napakita nang una sa akin, na nagsasabi, Oo, inibig kita ng walang hanggang pagibig: kaya't sa kagandahang-loob ay inakit kita."

Jeremias 31:3 ADB

"At maaaring gawin ng Dios na ang lahat ng biyaya ay sumagana sa inyo; upang kayo, na laging may sapat sa lahat ng mga bagay, ay magsisagana sa bawa't mabuting gawa:"

2 Corinto 9:8 ADB

"Ang Panginoon ay sumumpa, at hindi magsisisi, Ikaw ay saserdote magpakailan man ayon sa pagkakasunud-sunod kay Melchisedec."

Mga Awit 110:4 ADB